Marian Rivera: Pamilya ang pinaka-core kung bakit ako lumalaban

Marian Rivera humugot: Pamilya ang pinaka-core kung bakit ako lumalaban!

Ervin Santiago - January 16, 2025 - 12:10 AM

Marian Rivera humugot: Pamilya ang pinaka-core kung bakit ako lumalaban!

Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto

PAGMAMAHAL sa pamilya ang solid na motivation ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa patuloy na pakikipaglaban niya sa buhay.

Para kay Marian, itinuturing niyang “greatest achievement” in life ang pagkakaroon ng sariling pamilya, lalo na ang pagiging nanay sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

“That’s my dream talaga kasi solong anak lang ako and I have separated family, eh.

“Kaya talagang my goal talaga is to have a whole family with kids so binigay sa akin ni Lord ‘yan,” ang pahayag ni Marian sa panayam ng Editor’s Notes ng PeopleAsia.

Patuloy pa ng wifey ni Dong, “So para sa akin ‘yan ‘yung pinaka-core ko, kung bakit ako lumalaban, kung bakit ko ginagawa ito at bakit ko love ‘yung mga ginagawa ko kasi sila talaga ‘yung inspiration ko talaga.”

Baka Bet Mo: Marian, Heart matagal nang nagkaayos matapos magka-isyu tungkol kay Dingdong’; fans na-excite sa naging sagutan sa Instagram

Sinisiguro rin ni Marian ang balanseng pamumuhay bilang asawa, nanay at working mother, na lahat ay nagagampanan niya nang bonggang-bongga.

“Basta siguro alam mo at malinaw sa ‘yo ‘yung priority mo. Ako priority ko talaga number one is my family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Well, suportado ako with GMA diyan, suportado din ako ng management ko na anything na nangyayari at kailangan ako ng kids ko, sila muna,” pagbabahagi ni Yanyan.

Dagdag pa niya, “So kapag ganu’n siguro na alam mo ‘yung priority mo magiging madali lahat para sa ‘yo.”

Natanong din si Marian kung paano nila mas napapatibay ni Dong ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa kasabay ng pagdiriwang nila ng 10th wedding anniversary.

“Ang maganda kasi sa amin ni Dong, very transparent kami sa lahat. Parang kaming best friends na anything under the sun pwede naman pag-usapan na walang panghuhusga sa isa’t isa.

“At saka siguro, ano ako eh malambing akong tao. ‘Yan talaga ako sa kanya even sa mga kids ko. Siguro kung may isa akong quality na nagiging okay in a relationship, ‘yung pagiging malambing ko talaga,” sabi pa ni Yanyan.

Nito lang nagdaang December, 2024, nag-renew ng kanilang marriage vows sina Marian at Dingdong sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, kung saan din sila nagpakasal 10 years ago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walking down the aisle with our kids today, celebrating 10 beautiful years together. Love, GOD and family forever! #DongYan,” ang post ni Marian sa kanyang Instagram nitong nagdaang December.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending