Marian, Heart matagal nang nagkaayos matapos magka-isyu tungkol kay Dingdong'; fans na-excite sa naging sagutan sa Instagram | Bandera

Marian, Heart matagal nang nagkaayos matapos magka-isyu tungkol kay Dingdong’; fans na-excite sa naging sagutan sa Instagram

Ervin Santiago |October 29,2023
facebook
share this

Marian, Heart matagal nang nagkaayos matapos magka-isyu tungkol kay Dingdong’; fans na-excite sa naging sagutan sa Instagram

Ervin Santiago - October 29, 2023 - 07:43 AM

Marian, Heart matagal nang nagkaayos matapos magkaisyu tungkol kay Dingdong'; fans na-excite sa naging sagutan sa Instagram

Heart Evangelista at Marian Rivera

“REAL Queens”. “Tunay na mga Dyosa.”  Yan ang bansag ngayon ng mga netizens kina Marian Rivera at Heart Evangelista matapos magsagutan sa Instagram kamakailan.

Maraming natuwa at na-excite nang magpalitan ng mensahe ang dalawang Kapuso actress sa kani-kanilang Instagram accounts nitong nagdaang mga araw.

Nitong nagdaang October 26, nakita ng mga IG users ang pagpo-post ng Kapuso Primetime Queen at ng fashion icon sa Instagram kung saan nagpalitan sila ng nga emoji comments.

Nagkomento si Heart sa post ni Marian tungkol sa ineendorso niyang mineral water sa pamamagitan ng isang heart emoji.

Baka Bet Mo: Marian never naisipang magparetoke: ‘Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako’

Nag-reply naman ang asawa ni Dingdong Dantes sa kanya ng two hands forming a heart shape emoji. Sinagot ito uli ng wifey ni Sen. Chiz Escudero ng smiling face with open hands emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Sa post naman ni Heart sa IG na, “Meetings to attend, a canvas in mind so much more on this Thursday Heyday (heart emoji)” ay nag-iwan din ng heart emoji si Marian sa comments section.

Tatlong heart emojis naman ang isinagot sa kanya ni Heart.

Sandamakmak na fans ang nag-post ng mga positibong komento tungkol sa pagsasagutan ng dalawang reyna ng GMA. Nagkakaisa sila sa pagsasabing “the world is healing.”

“Queens supporting queens!” ang komento pa ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Nauna rito, maraming fans na ang nakapansin na pina-follow na nina Marian at Heart ang isa’t isa sa Instagram. Ito’y makalipas nga ang isang dekada mula nang magkaroon ng gap at misunderstanding ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Huling napanood together sina Yanyan at Heart sa 2011 comedy movie na “Temptation Island” kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang kanilang away.

Ngunit ayon sa ilang taong malapit sa dalawang aktres, matagal-tagal na raw nagkaayos sina Marian at Heart at nagkakausap na in private.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman ang request ngayon ng kanilang supporters, sana raw ay pagsamahin sila uli ng GMA sa isang bonggang project dahil sigurado raw na magiging hit ito sa TV man o sa big screen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending