Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen! Bandera

Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Ervin Santiago |June 07,2022
share this

Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Ervin Santiago - June 07, 2022 - 12:57 PM

Marian Rivera at Dingdong Dantes

SA gitna ng sunud-sunod na isyu ng hiwalayan sa showbiz, pampa-good vibes at pakilig naman ang hatid ng Kapuso couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

In fairness, kung may isang married couple na walang ka-isyu-isyu at kanegahan pagdating sa kanilang relasyon yan ay ang tambalang DongYan.

Mula yata nang ikasal ang Primetime King and Queen ng GMA 7 noong 2014 ay hindi pa sila nasasangkot sa kontrobersiya. Talagang hanggang ngayon ay pinaninindigan pa rin ng mag-asawa ang kanilang “road to forever” kasama ang dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy Dantes.

Nito nga lang nagdaang araw, muling nagpasabog ng kilig ang Kapuso couple nang mag-post si Yanyan sa Instagram tungkol sa kanilang “family day” kalakip ang sweet photo nila ni Dong.

“Bes,” ang tanging caption ni Marian sa kanyang IG post na sinagot naman ni Dingdong ng, “Forever and ever amen (kiss emoji).”

Komento ng mga netizens, sa kabila raw ng sunud-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couple ay may mga magdyowa pa rin na pwedeng gawing patunay na may forever pa rin sa pakikipagrelasyon.
Sa isang panayam, ipinagmalaki ni Marian ang pagiging mabuti at responsableng asawa at ama ni Dong.


Ani Marian, “Siguro kung lahat ng lalaki sa mundo, asawa ganyan, siguro maraming hindi matatakot na mag-asawa at magkaanak.

“Sobrang thankful ako na naging asawa ko siya, at sa lahat ng bagay sinusuportahan mo ‘ko. Salamat, especially sa pagpapalaki sa anak natin,” sey pa ng Kapuso actress.

“Sana ‘wag kang magbago kasi sa iyo ako kumukuha ng lakas para magawa kong lahat ng kailangan kong gawin araw-araw. I love you,” ang mensahe pa ni Yanyan kay Dong.

Bukod sa kani-kanilang solo show sa GMA (Family Feud ni Dingdong at Tadhana ni Marian), napapanood din sila together sa Kapuso sitcom na “Jose and Maria’s Bonggang Villa.”

Paolo no comment sa hiwalayan nila ni LJ; masaya pa rin kahit maraming issue

LOOK: Celebrities na naghiwalay ngayong 2021

Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending