Marian never naisipang magparetoke: 'Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako' | Bandera

Marian never naisipang magparetoke: ‘Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako’

Ervin Santiago |July 03,2023
facebook
share this

Marian never naisipang magparetoke: ‘Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako’

Ervin Santiago - July 03, 2023 - 07:07 AM

Marian never naisipang magparetoke : 'Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako'

Rhea Anicoche-Tan at Marian Rivera-Dantes

KUNG may isang female celebrity na talagang masasabing “natural” ang kagandahan, yan ay walang iba kundi si Marian Rivera.

In fairness, habang nagkakaedad ang GMA Primetime Queen ay mas lalo pang tumitingkad ang kanyang beauty at parang isa rin siyang bampira na hindi tumatanda.

Sa presscon ng pinakabong beauty company ng super successful entrepreneur na si Rhea Anicoche-Tan, ang BlancPro, kung saan ipinakilala si Marian bilang first celebrity ambassador nito, natanong nga ang Kapuso actress kung naisipan din ba niyang magparetoke o magpa-enhance.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


“Wala naman! Thank You, Lord! Wala naman! Napaisip tuloy ako, wala naman! Okay naman ako,” ang natatawang chika ng wifey ni Dingdong.

Aniya pa, never naman daw niyang pinangarap na makapasok sa mundo ng showbiz, “Hindi ko naisip o sumagi sa isip ko na mag-aartista ako, di ba? Parang gusto ko lang commercial model. Mag-commercial-commercial lang, sa magazines.

“E, nabigyan ng pagkakataon, sinuwerte, siguro pinalad. So, nagtuluy-tuloy lang, from there, siyempre in-embrace ko na yun. Sabi ko, ‘Ay, mahal ko pala ang mag-artista. So du’n na nagsimula at nagtuluy-tuloy,” pahayag pa ni Yanyan.

Baka Bet Mo: Marian feel na feel ang pagiging nanay; nagturo ng kagandahang-asal sa mga Grade 2 students

Samantala, natanong din si Marian kung paano niya itinuturo sa mga anak niya ang self-love and self-acceptance, lalo na kay Zia na may sarili nang isip ngayon.

“Siguro ako as mom niya, mas maganda siguro na sinasabi ko sa kanya na you need to love yourself. At kailangan nakikita din yung bata na ina-accept mo siya sa kahit anong pamamaraan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Sey pa niya, napakahalaga talaga ng gabay ng mga magulang habang lumalaki at nagkakaedad ang mga bata, “Kasi ang bata ay bata. At kahit na may mga kulit factor talaga yan. May mga pagkakataon na minsan, ‘Hmmm, sobra na.’

“Pero hindi ibig sabihin na hindi natin sila tatanggapin. Kasi as a parent, as a mother, nandito ako para sa kanya. Hindi para i-correct, kung hindi i-accept ko kung sino siya,” sabi pa ni Marian.

“The mere fact na in-accept mo yung bata kung sino siya, magkakaroon siya, magkakaroon siya ng kumpiyasa para sa sarili..Siguro yung, unti-unti, gradual. Kasi bata pa naman, so iba-iba yung nakikitang tao.

“Ang mahalaga yung parents, both, kami ni Dong, nasa likod nila kami no matter what. Kakampi nila kami at love namin sila” katwiran pa niya.

Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending