Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin | Bandera

Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 09:06 AM

Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 3 lang talaga, OK na rin

Marian Rivera at Dingdong Dantes

KUNG si Marian Rivera ang masusunod, gusto pa niyang dagdagan ang dalawang anak nila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Pangarap daw talaga ng Kapuso Primetime Queen ang magkaroon ng maraming anak kaya kung bibiyayaan pa sila ni Dong ng karagdagang baby, ay tatanggapin niya ito nang bonggang-bongga.

Natanong si Marian sa “Updated with Nelson Canlas” podcast kung balak pa ba nila ni Dingdong na bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy Dantes.

Marami kasi ang nagsa-suggest na mag-anak pa sana nang mag-anak ang Kapuso celebrity couple dahil napakaganda raw ng kanilang lahi at sayang daw kung dalawa lang ang magmamana sa kanilang kagandahan at kagwapuhan.

Sabi ng aktres at TV host, “Sabi ko nga, kung ibibigay, why not? Pero kung dalawa lang talaga, why not din? Sabi ko nga, sobra sobrang biyaya na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Minsan masarap din na makuntento ka kung ano ang meron ka, kasi doon ka magiging mas masaya kapag nakita mo ang surrounding mo na complete na talaga ang pangarap mo. Bonus na lang kapag may idadagdag pa,” pahayag pa ni Marian.

Sabi ng Kapuso star, umaasa siyang bibigyan pa sila ng bagong baby ni Lord pero buong-puso nilang tatanggapin kung hanggang dalawang anak lang talaga ang nakatadhana para sa kanila.

“Mas masarap na makuntento talaga kung ano ang meron. At masasabi ko ngayon na happy ako with Zia, Dong, Sixto, sobra, sobra. Sobra-sobrang blessings talaga. Thankful talaga ako,” sey pa ni Marian.

Samantala, nagkuwento rin si Marian tungkol sa paglipat ng kanilang pamilya sa bago nilang bahay last year.

Sey ni Marian, inabot ng apat na taon bago matapos ang pagtatayo ng kanilang dream house, “Medyo in the process kami kung saan ba dapat, anong hitsura ng bahay? Kasi dream namin ito eh, so gusto namin sa bawat detalye na gagawin namin ‘yun talaga ang gusto namin.”

Ano nga ba ang pinaka-favorite niyang bahagi ng kanilang bagong tahanan? “Marami e, super dami talaga.”

“Si Dong kasi may favorite spot siya sa labas. Ako, ‘yung pinaka-sala namin, ‘yung favorite spot ko roon kasi nandoon ‘yung tama ng araw ‘pag umaga. So may mga ganu’ng arte-arte moment ako,” ani Marian.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian aminadong praning at OA na nanay; Dingdong may espesyal na misyon bilang celebrity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending