Marian aminadong praning at OA na nanay; Dingdong may espesyal na misyon bilang celebrity | Bandera

Marian aminadong praning at OA na nanay; Dingdong may espesyal na misyon bilang celebrity

Ervin Santiago - October 04, 2022 - 07:42 AM

Marian aminadong praning at OA na nanay; Dingdong may espesyal na misyon bilang celebrity

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zia at Sixto Dantes

PAREHONG hands-on ang Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pag-aalaga at pagpapalaki sa dalawa nilang anak.

Sinisiguro ng celebrity parents na naibibigay nila ang lahat ng pangangailangan nina Zia at Ziggy Dantes mula sa mga materyal na bagay hanggang sa pagmamahal at pagkalinga sa mga ito.

Ang pagbibigay prayoridad sa kalusugan ang itinuturing nina Dong at YanYan na isa sa  pinakamahalaga nilang tungkulin sa kanilang tahanan.

Ito ay nagpapakita na talagang sineseryoso ng Kapuso Primetime King at Queen ang kanilang ginagampanang papel sa tunay na buhay — ang maging mabuting ama at ina.

“Ang pagiging magulang ay hindi biro, ang dami naming natututunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusugan ang pinakakailangan natin. We want to do so many things.

“Our kids want to do so many things. But the fact is that marami pang darating na mga hadlang like viruses and the only way to fight them is to have a strong immunity,” pahayag ni Dingdong.

“Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on mom. Tandem kami. Siya maghahanda, ako maghahatid at ako magsusundo.

“Mahalaga na du’n pa lang sa prep stuff, kumbaga napapatibay at napapalakas na namin sila so that when they go to school, especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alam natin na kayang-kaya ng katawan nila,” paliwanag pa ng host ng “Family Feud”.

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


At hindi lang ang kanilang pamilya ang nasa priority list ng mag-asawa dahil aktibo rin sila sa pagtulong para sa mga sinusuportahan nilang adbokasiya.

Sa pinagsamang star power ng Kapuso couple, nagbigay ng suporta sina Marian at Dingdong para matulungan ang mga biktima ng bagyo sa lumipas na mga taon at minsang sumama rin sa PETA sa kanilang kampanya para palayain ang elepanteng si Mali mula sa Manila Zoo.

Itinatag rin ni Dingdong ang Yes Pinoy Foundation habang si Marian ay isang “dedicated woman advocate of breastfeeding and women with special needs” at matatag na sumusuporta sa Smile Train, isang internasyonal na charity para sa mga kabataan na may espesyal na pangangailangan na kayang masolusyonan – cleft lip at palate o bingot.

Samantala, isa sa mga katuwang nina Marian at Dingdong sa paghahatid ng suporta at tulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan ay ang nangungunang pharmaceutical at healthcare company sa Pilipinas, ang Unilab.

Ang Kapuso royal couple kasama sina Zia at Ziggy ang mga brand ambassadors ng Ceelin Plus na nagpapalakas sa immunity ng mga bagets.

Sabi ni Marian, “Nag-eendorso kami ng isang produkto palagi na kailangan na ginagamit ko at sure ball ako na gagamitin ko siya. Ayoko siyang i-endorse just for the sake of the money or because of may endorsement ako.”

Aniya pa, “Nakikita namin ang benepisyo ng tamang pag-inom ng vitamins, especially now nagpe-face-to-face classes na ‘yung mga anak namin. Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga.”

Isang makabuluhang project naman ang inilunsad ng Ceelin at Caritas Philippines kasama sina Marian at Dingdong, at ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa ilalim ng direksyon at pangangasiwa ng Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP).

Tinatayang 100,000 na mga bata mula sa malalayong lugar o tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) na kulang sa nutrisyon ang nabigyan ng bitamina mula nang magsimula ang proyekto noong Marso 2022, na tumutulong sa kanila na palakasin ang kanilang resistensya sa sakit lalo na’t ang mundo ay nasa gitna pa rin ng pandemya.

“Lahat ng mga bata ay may karapatang maging protektado at magkaroon ng magandang kalusugan at maging malakas ang resistensya laban sa sakit. Good health is a basic human right, but access to it is limited,” ani Dingdong.

Para maibsan ang problemang ito, namahagi ang mag-asawa ng mga vitamins sa mga batang nasa pangangalaga ng Caritas Philippines noong Setyembre 13 na ginanap sa Obispado de Cubao, Quezon City, sa harap mismo ng Immaculate Conception Cathedral kung saan sila ikinasal noong 2014. Dumalo rin sina Bishop. Jose Colin M. Bagaforo, ang Pambansang Direktor ng Caritas Philippines, Fr. Ronnie Santos, Direktor ng Caritas Cubao at mga madre mula sa Kidapawan City, Cotabato.

Sa malawak na impluwensya ng DongYan sa social media at ang kanilang status bilang power couple, maingat sila sa kung anong mga adbokasiya ang susuportahan sa kanilang mga social media.

“We recognize that all this is a gift, biyaya, na ibinibigay sa amin. Part of our responsibility is to really take care of these gifts at nagkaroon kami ng plataporma para magsulong ng iba pang bagay.

“So I think tama lang na gamitin natin sa wastong paraan ang mga ganitong bagay. Although pwede din namang hindi, pero kami, we choose to do that,” sabi ni Dingdong.

“That’s why we support advocacies na talagang malapit sa puso natin. ‘Yun talaga ‘yung totoo eh, mahirap kasi na gumawa ka ng isang bagay na taliwas sa paniniwala mo.

“Kaya para sa amin, parang second nature na rin ito. It doesn’t feel like work at all because for us this is a way of life already. Ito ay isang misyon. Kinikilala namin na ito ay bigay ng Diyos,” aniya pa.

Sumang-ayon naman si Marian sa sinabi ng asawa, “Si Dong palagi niya akong nire-remind na isa kami sa mga nabiyayaan na magkaroon ng ganitong klaseng trabaho at mahalin ng mga tao ng ganito.

“In return sa mga taong nagmamahal sa amin, nire-remind niya ako na gamitin natin sa tama at wasto itong biyaya na binigay sa atin na makatulong tayo sa ibang tao. Sinasabi niya, ang dami mong followers so use it para makatulong ka sa ibang tao.

“Minsan kasi pag nanay ka na, ang dami mo ring ginagawa. Minsan di mo na alam kung san ka pupunta. Si Dong na lang nagsasabi, focus kung anong gusto mo. Focus on ano talaga nasa puso mo.

“Ayaw namin gumawa ng plataporma na hindi namin pinaniniwalaan at wala din ‘yung puso namin. So sa bawat post namin at ginagawa namin, gusto namin na nagre-reflect ‘yun sa amin at nakikita ‘yun ng mga taong nagmamahal sa amin. Mahal namin kayo. Mahal namin kung anong binigay n’yo sa amin, so let’s help each other,” mensahe pa ni Marian.

https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/312714/dingdong-dantes-may-pa-tribute-sa-mga-nanay-palihim-na-inendorso-si-leni-robredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297667/dingdong-miss-na-miss-na-si-misis-at-2-anak-marian-payag-na-ba-sa-faceface-classes
https://bandera.inquirer.net/311807/ang-sarap-talagang-katrabaho-ni-marian-sobrang-professional-sobrang-galing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending