Richard Gutierrez metikuloso sa fight scenes, nagka-minor injury

Richard Gutierrez metikuloso sa fight scenes, nagkaroon ng minor injury

Reggee Bonoan - January 22, 2025 - 07:40 PM

Richard Gutierrez metikuloso sa fight scenes, nagkaroon ng minor injury

Richard Gutierrez

ANG saya-saya ng Team Incognito dahil number 1 sila sa Netflix at puro positibo ang mga naririnig at nababasang feedback sa ilang gabing episodes.

Matitindi ang fight scenes na mapapanood sa mga susunod na episodes kaya pala hands-on si Richard Gutierrez sa pagtsi-tsek ng mga gamit.

Metikuloso pala ang aktor sa mga fight scenes niya dahil siya mismo ang nagsasabing ulitin ito kapag hindi siya kuntento sa seryeng “Incognito”.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez na-fall sa pagiging totoo ni Barbie Imperial

Ang “Incognito” ang bagong seryeng pinagsasamahan nina Richard, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal, Baron Geisler at Daniel Padilla ay kasalukuyang number 1 ngayon sa Netflix at nagsimula na rin itong mapanood sa Kapamilya channel free TV, A2Z, TV5 nitong Lunes ng gabi at sa iWantTFC naman noong Sabado.

Naikuwento ng aktor sa solong panayam niya kay Ogie Diaz na personal niyang tsine-tsek kung safe ang mga gagamitin nila sa fight scenes.

“’Yung nanay ko (Annabelle Rama) ang nagsasabing ‘o mag-ingat ka, siguraduhin mong safe ‘yan.

“E, ako naman through the years ding pag-trabaho ko sa action siyempre natuto na rin ako na safety is always first, pero tuwing gagawa ng action talagang may risk na kasama ‘yan.

“Kung puwede lang naming gawin is minimize the risk sa action, awa ng Diyos wala naming major accident pa.

“Nagkaroon na ako ng minor injuries, torn ligaments, mga cuts, dugo-dugo, mga galos at pasa normal ‘yan sa action na kapag gigising ka ang sakit ng katawan mo,” kuwento ni Chard.

At ngayong may mga anak na siya ay mas cautious siya sa mga ginagawa niyang stunts.

“Lagi kong dino-double o triple check lahat kahit sabihin pa ng stunt choreographer coordinator na ‘okay na ‘yan na check na namin safe ‘yan, pero ako talaga pupunta kung safe, kung nakakabit ng tama ‘yung harness. Para walang turuan kapag may nangyari and so far naman Salamat sa Diyos,” seryosong kuwento ng aktor.

Hindi ba naiirita ang mga stunt coordinator na nagtsi-tsek siya nab aka isipin walang tiwala si Richard sa kanila.

“Actually, appreciated ‘yun ng mga stuntmen/coordinators kasi parang pinapakita mo sa kanila na interesado ka talaga do’n sa stunt na hindi ka lang tinawag para gawin ‘yung stunt parang involved din ako.

“Sila (stuntmen) sila rin pag gumagawa rin sila, I’ll make sure na safe rin sila kung may mga tatalon,” esplika ni Richard

Samantala, dream come true pal ani Richard ang kuwento ng Incognito dahil tinalakay dito ang mga private military contractor.

“Yung mga sundalong na-discharge or retired soldiers na binuo para sa maseselan na misyon minsan hired sila ng gobyerno, misan hired sila ng private companies or private na tao.

“Ito kasi ‘yung kuwento ng mga sundalo na hindi masyadong alam or hindi nabibigyan ng pansin ng publiko especially dito sa Pilipinas. Matagal na akong fan ng istoryang ‘yan, ng mundong ‘yan,” napangiting kuwento ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ang Incognito ay mula sa direksyon ni Lester Pimentel Ong na handog ng Star Creatives at Studio Three Sixty PH.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending