Singaporean actor nawalan ng P1.5-M, nabudol ng Pinay

Singaporean actor nawalan ng P1.5-M dahil sa pambubudol ng Pinay

Therese Arceo - January 22, 2025 - 05:27 PM

Singaporean actor nawalan ng P1.5-M dahil sa pambubudol ng Pinay

HUMINGI ng tulong ang batikang Singaporean actor na si Lauence Pang para ireklamo ang isa umanong Pinay na nanloko sa kanya.

Sa isang episode ng “Wanted Sa Radyo” ni Senator Raffy Tulfo na umere kamakailan ay ibinahagi ng aktor kung paano dita na-scam ng isang Pinay na kanyang nakausap.

Chika ng Singaporean actor, nakilala raw niya ang Pinay sa isang dating site noong December 2024 at eventually ay nagkausap sila.

Matapos nito ay inalok raw siya na maging reseller sa isang online shopping mall.

Baka Bet Mo: 5 Pinoy artist, 3 Singaporean actor bidang-bida sa PH-SG collab

“I joined as a reseller that means the company has products for me to put into my shop. They will give me an online shop to put the products there,” paglalahad ng Singaporean actor.

Ang sistema raw ay sa tuwing may customer na bibili ng produkto ay kailangang niya itong paluwalan.

“Whenever there’s a customer who buys any products there, I have to fund it first. Then the customer will take the shipment,” sey ng Singaporean actor.

Pagpapatuloy pa niya, “I will get 10% of the sale and take back my capital. Before I can take back my commission.. another sale came in, I have to fulfill it again.”

Kalaunan ay na-realize raw ng Singaporean actor na ang mga umoorder sa kanya ay nga pekeng customer.

Hanggang sa umabot na raw sa P1.5-M ang nawala sa kanya dahil sa naturang online shopping mall.

Sinabi rin niya na hindi pa niya nakikita nang personal ang Pinay na nakilala bilang si “Mika”.

Na-realize rin niya na niloloko lamang siya nito nang makitang iba ang itsura nito sa kanilang videocall kesa sa larawan nito sa dating app.

Tila isa umanong kaso ng “love scam” ang nangyari sa Singaporean actor ayon kay Philippine National Police Anti-Cybercrime Group spokeswoman PLT Wallen Mae Arancillo.

“The usual way of the modus operandi is—this suspect, or cyber criminal, or scammer—they get the sympathy of their victim. And later on, after that, they are encouraging these people to invest in cryptocurrency,” pagbabahagi ni Arancillo.

Hindi naman matukoy sa ngayon kung konektado ba sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang naturang kaso dahil ipinatigil na ito ni President Bongbong Marcos noong 2024 State of the Nation Address (SONA).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We are really doing our best with regard to cyber patrolling and online investigation so that we would be able to trace these people behind those POGO or scam hubs,” dagdag pa ni Arancillo.

Sa ngayon ay nakikipagtulunhan ang Singaporean actor sa mga otoridad para sa kanyang reklamo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending