Marian Rivera sa ‘Unfaithful’ meme: Bigyan n’yo ako ng chance!
ALIW na aliw ang naging reaksyon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera patungkol sa kanyang famous meme.
Sa inilabas na ulat ng GMA Entertainment nitong December 17, nagkaroon raw ng Question and Answer portion sa naganap na DongYan Christmas party kamakailan kasama ang kanilang fans kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na magtanong sa mag-asawa.
Isa sa mga tanong na nabunot no Marian ay patungkol sa kung ano ang kanyang favorite meme.
“Meme? Story of my life,” sagot ng aktres.
Baka Bet Mo: Katrina Halili may bonggang rebelasyon tungkol kay Marian Rivera
View this post on Instagram
Birong dagdag ni Marian, “Bigyan n’yo ako ng chance, music please.”
Kasunod nito ay ang pagpapaliwanag niya tungkol sa nag-viral na meme.
“Tawang-tawa kasi ako doon. Galing ako ng taping noon, sobrang puyat ako no’n.
“Sabi ko, ‘hindi ko alam itong kantang ‘to, bahala na ‘to.’ Tuwing nakikita ko ‘yon, natatawa ako sa sarili ko,” salaysay ni Marian.
Ang tinutukoy na meme ng aktres ay ang naging singing performance sa kanta ni Rihanna na “Unfaithful”.
Parte ng farewell event ng Kapuso serye na “Temptation of Wife” ang naging singing performance ni Marian kung saan isa siya sa mga bida.
Pero kung kinapos ang talent niya sa pagkanta ay bawing-bawi naman ito ng anak niyang si Zia.
Sa katunayan, kamakailan lang nang ibahagi ni Marian sa publiko kung gaano siya ka-proud sa anak matapos itong mag-perform ng kantang “Rise Up” ni Andray Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.