Katrina Halili may bonggang rebelasyon tungkol kay Marian

Katrina Halili may bonggang rebelasyon tungkol kay Marian Rivera

Ervin Santiago - August 26, 2024 - 08:00 AM

Katrina Halili may bonggang rebelasyon tungkol kay Marian Rivera

Katrina Halili at Marian Rivera

WISH ng Kapuso actress na si Katrina Halili na muling makasama sa isang teleserye o pelikula ang kanyang ultimate girl crush.

Muling pinatunayan ni Katrina ang loyalty sa GMA 7 matapos pumirma uli ng kontrata sa Sparkle talent management at excited na siya sa mga susunod na acting projects niya sa network.

Ayon kay Kat, kung mabibigyan uli ng pagkakataon nais niyang makatrabaho uli ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Isa si Katrina sa mga celebrities na nagpapatunay kung gaano kabuting tao ang asawa ni Dingdong Dantes, bukod pa nga yan sa galing ni Marian bilang isang aktres.

Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

Bukod dito, bilib din daw siya sa pagiging hands-on mom ni Marian sa dalawang anak nila ni Dong na sina Zia at Sixto at napagsasabay pa niya ito sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula at TV show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


“Mabait siya kapag nakilala mo siya. Mabait siya sa mga kaibigan niya. And nakikita naman natin na ang galing niya din as a mom, ‘di ba?” sey ni Katrina sa panayam ng GMA Network.

Baka Bet Mo: Katrina pumayat dahil sa stress, naloka nang malamang sexy assassin pala ang role sa ‘Black Rider’: Akala ko drug lord lang na mag-uutus-utos’

Chika pa ni Kat, “Siyempre, looking forward na sana maka-work ko ulit si Marian next time.” Nagkatrabaho ang dalawa sa Kapuso hit series na “Marimar” at “Darna.”

Samantala, feeling thankful and grateful din ang aktres sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Sparkle at umaasa siya na mas marami pa siyang maging proyekto sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending