Katrina pumayat dahil sa stress, naloka nang malamang sexy assassin pala ang role sa 'Black Rider': Akala ko drug lord lang na mag-uutus-utos' | Bandera

Katrina pumayat dahil sa stress, naloka nang malamang sexy assassin pala ang role sa ‘Black Rider’: Akala ko drug lord lang na mag-uutus-utos’

Ervin Santiago |October 31,2023
facebook
share this

Katrina pumayat dahil sa stress, naloka nang malamang sexy assassin pala ang role sa ‘Black Rider’: Akala ko drug lord lang na mag-uutus-utos’

Ervin Santiago - October 31, 2023 - 07:05 AM

Katrina pumayat dahil sa stress, naloka nang malamang sexy assassin pala ang role sa 'Black Rider': Akala ko drug lord lang na mag-uutos-utos'

Ruru Madrid, Katrina Halili at ang iba pang cast members ng ‘Black Rider’

#SHOOKT ang Kapuso actress na si Katrina Halili nang malaman niyang hindi lang basta kontrabida ang magiging role niya sa latest GMA series na “Black Rider.”

Ang akala kasi ng celebrity mom ay gaganap siya bilang isang drug lord sa seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid na taga-utos lang sa kanyang mga tauhan at alagad.

Hindi raw niya nalaman agad na skilled sexy assassin pala ang magiging role niya sa bagong action-drama series ng GMA 7 kung saan kailangan pala niyang magpaka-action star nang bonggang-bongga.

Sey ni Katrina sa naganap na mediacon ng “Black Rider” last Friday, October 27, talagang kinarir niya ang kanyang paghahanda sa kanyang role bilang si Romana.

“Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga trainings, sa big bikes, mixed martial arts, kung anu-ano,” simulang kuwento ng aktres.

Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

“Noong unang tinanggap ko po ito, wala akong idea na ganyan. Ang alam ko po, drug lord lang na mag-uutos-utos,” natatawa pa niyang chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


Ngunit na-shock nga siya nang malamang kasama siya sa mga gagawa ng mga action scenes sa “Black Rider” kasama si Ruru at iba ang pang cast members.

“Super shocked po ako na ang daming trainings po tapos ako po pala ‘yung gagawa ng action, akala ko taga-utos lang po,” sey ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

“Una, skeptic po ako sa sarili ko kasi nasanay na po ako sa hapon na nanay, iyak-iyak. Pero noong ginagawa ko na po siya, nae-enjoy ko po siya. Happy po ako, medyo umiksi-iksi na nga po ang katawan ko,” aniya pa.

Na-pressure rin daw siya sa pagpapapayat nang malaman niya kung sinu-sino ang mga artistang makakasama nila sa serye.

“Siyempre kinundisyon ko ‘yung sarili ko na pumayat ako. Noong nalaman ko na sexy assassin, na-stress na po ako lalo.

“Tapos kasama ko sina Ruru tapos Matteo, mas lalo po akong na-stress. Sobrang stressed po ako noong nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko,” pagbabahagi pa ni Katrina.

“Pero okay lang, sa stress na ‘yun, at least pumayat po ako, naging maliksi ulit po ang aking katawan.

“Ang laking tulong na ibinigay sa akin ang role na Romana para lumapit-lapit ulit ako sa timbang ko dati,” sey ni Katrina.

Dagdag pa niyang chika, super na-miss din niya ang paggawa ng nga sexy roles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang “Black Rider” sa November 6 sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Gladys Reyes, Yassi Pressman, Kylie Padilla, Maureen Larrazabal, Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Raymond Bagatsing at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending