Kris 'intense' ang pagiging fan nina Heart at Echo

Kris intense ang pagka-fan girl kina Heart at Echo, hinabol sa parking lot

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Kris intense ang pagka-fan girl kina Heart at Echo, hinabol sa parking lot

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 07:40 AM

Kris 'intense' ang pagiging fan nina Heart at Echo, hinabol sa parking lot

Kris Bernal. Jericho Rosales at Heart Evangelista

“INTENSE!” Ganyan ang nangyari sa pagpapaka-fan girl ng Kapuso actress na si Kris Bernal kina Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Sa wakas, natupad na rin ni Kris ang matagal na niyang pangarap na makapagpa-picture kina Heart at Echo sa magkahiwalay na pagkakataon.

In fairness, talagang kinarir ng aktres at celebrity mom ang pagdalo sa isang showbiz event kung saan isa nga sa mga guest si Heart.

Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram Stories kung gaano siya ka-happy nang finally ay makapagpa-selfie (with matching video pa) siya with Heart nang makita niya ito sa naturang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Makikita saipinost ni Kris sa Instagram ang video na kuha ng kanyang kaibigan habang nasa akto na nagpapa-picture kina Heart at Jericho.

Baka Bet Mo: Piolo, Lovi perfect tanden sa ‘Flower of Evil’; pilot episode ‘ang lupet, super intense’

Chika ni Kris, talagang super wait siya kay Heart sa entrance pa lang ng venue para makapagpa-picture, “Guests surrounded her as soon as she arrived.”

At nang dumating na nga ang fashion icon ay ito pa ang tumawag sa kanya para makapagpakuha sila nang magkasama.

“Huhu! She’s that down to earth and treats everyone the same regardless of anything! (flushed face emoji).

“Buhay na buhay ang pagka-faney ko!” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Sey pa ni Kris, totoong na-tense raw siya nang makatabi at makausap si Heart, “Heartyyy wag mo akong kausapin! Kinakabahan ako! (tears of joy emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Samantala, naikuwento rin ni Kris kung paano niya hinabol si Jericho para lang makapagpa-picture sa aktor sa nasabi ring event.

Sabi ng aktres sa kanyang Instagram Stories, “Hinabol ko talaga siya hanggang parking in high heels. Hindi ako uuwi ng walang picture! Lol!”

Baka Bet Mo: Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!

Matatandaan na noong March, 2020 ay rumesbak si Kris sa mga bashers na nagsasabing ginagaya niya si Heart.

“Si Heart, super idol ko talaga siya. Pero hindi ko naman siya ginagaya kasi hindi ko kaya.

“Bag pa lang niya, hindi ko kaya. Jewelries pa lang niya, hindi ko kaya. Aura pa lang niya, hindi ko kaya.

“She’s my inspiration when it comes to clothes, sa styles, sa mga damitan. But not to the point na ginagaya ko siya kasi hindi ko kaya. Ang hirap talaga!

“Mabait si Heart, love ko siya, super idol ko siya, super lagi niyang akong pinapansin at saka accommodating siya, mabait siya sa lahat, even off-cam, ‘pag nakikita ko siya, ang bait-bait niya sa lahat.

“Like siguro naman, puwede naman ako magkaroon ng Hermes bag, di ba? Hindi naman siguro panggagaya yun,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently lang ay naging hot topic ang muling pagkikita nina Heart at Echo sa isang event kung saan nakunan pa sila na nagbatian at nagbeso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending