Jericho Rosales dinogshow si Heart Evangelista: Outfit check!

Jericho Rosales dinogshow si Heart Evangelista: Outfit check!

Therese Arceo - January 11, 2024 - 10:30 PM

Jericho Rosales dinogshow si Heart Evangelista: Outfit check!

Jericho Rosales

ALIW na aliw ang mga netizens sa pasimpleng pangdo-dogshow ni Jericho Rosales sa kanyang ex-dyowa na si Heart Evangelista.

Sa kanyang series of Instagram stories, ibinandera niya ang natagpuan niya ang old paper dolls nila ng kanyang dating kasintahan.

“Katawan ko ba ‘to? Parang dinikit lang ‘yung ulo ko e,” saad ni Jericho habang ipinapakita ang paper doll set niya mula sa isa sa kanyang Kapamilya series na “Panday” na umere noong 2005.

Natatawang ipinakita pa ni Echo ang iba pang paper dolls kung saan tampok naman si Heart.

“Si Heart nga ‘to, katawan ba ni Heart yan? Parang dinikit lang din e,” sey pa ni Jericho.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero at least, dati pa nasa fashion na siya. Oh, diba? Hi, Heart!”

Baka Bet Mo: Jericho Rosales, Carmen Soo muling nagkita after 15 years: ‘Catch up during my last trip to Manila’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Natatawa pang ibinandera ni Jericho ang mga outfits na kalakip sa paper dolls pagkatapos ay ibinandera pa ang kanyang suot na may pagkakahawig sa nasa paper doll.

“Outfit check!” makulit na sabi ng aktor.

“Pak! Yan ang mga pormahan,” natatawang sabi pa ni Jericho.

Matatandaang nagkatambal noon ang dalawa sa Kapamilya series na “Panday” na umere mula 2005 hanggang 2006.

Naging magdyowa rin sina Jericho at Heart at tumagal rin ng tatlong taon ang kanilang relasyon bago sila tuluyang naghiwalay noong 2008.

Last year lang nang muli silany magkita-kita ng kanyang mga ka-batch sa Star Magic na sina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador pati ang kilalang manager na si Johnny Manahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat marami pa rin ang sumusuporta sa kanilang tambalan, parehas nang masaya ang buhay nina Jericho at Heart.

Noong 2014 nang ikasal si Echo sa fashion influencer at filmmaker na si Kim Jones habang si Heart naman ay ikinasal kay Sen. Chiz Escudero noong 2015.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending