Janine proud GF ni Jericho: Sobrang mapagmahal, super maalaga
VERY open na si Janine Gutierrez sa relasyon nila ni Jericho Rosales na nagsimula raw talaga sa teleserye nilang “Lavender Fields.”
Mas fresh, mas maganda at mas nagliliwanag ang awra ni Janine nang muli namin siyang makaharap sa finale mediacon ng “Lavender Fields” kung saan first time nga silang nagkatrabaho ni Jericho.
Habang iniinterbyu ng BANDERA at ng ilang piling members ng media si Janine ay ramdam na ramdam namin ang kanyang pagiging proud girlfriend ni Echo.
“Happy kasi parang ever since takot akong magsalita (tungkol sa kanilang relationship). Pero ngayon parang magaan lang lahat, masaya rin na mag-share ng pictures and everything and share ng happiness,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!
Nagpasalamat din siya sa premyadong aktor dahil sa pagiging supportive nito habang ginagawa nila ang “Lavender Fields” kasama sina Jodi Sta. Maria, Edu Manzano, Albert Martinez, Maricel Soriano at marami pang iba.
View this post on Instagram
Kuwento ni Janine, nag-start lang daw ang lahat sa kagustuhan nila ni Echo na maging natural at makatotohanan ang pagganap nila bilang mag-asawa sa serye.
“Unexpected naman ang nangyari sa aming dalawa eh, parang nu’ng una gusto lang naman naming maging convincing kami na dating mag-asawa sa palabas na talagang pinag-uusapan namin ang mga eksena kung paano pagagandahin so masaya na parang okay siya as a person at katrabaho,” chika ng premyadong aktres.
“Dito lang naman kami naging close. Hindi kami magkakilala before. So nakilala ko siya better as the show progressed.
“Pero masaya siya katrabaho kasi you feel safe saka alam mo on the same page kayo na gusto niyo gawin lahat para mapaganda ‘yung eksena. Parang hindi ka mahihiya,” aniya pa.
Ano naman ang mga nadiskubre niya sa pagkatao ni Echo? “Marami. I knew naman na magaling talagang umarte, alam natin lahat ‘yon.
“Pero nalaman ko na kahit Jericho Rosales na siya, sobrang game pa rin siya mag-workshop, mag-aral. Maging geeky sa pag-iisip ng gagawin sa eksena at sa script,” aniya pa.
Super naa-appreciate rin daw niya ang effort ni Jericho na maging bongga ang bawat eksena nila, “Kasi he takes the time before the scene starts na pag-usapan na ‘o eto ang gagawin ko rito.’ At least aligned talaga kayo, then we talk to direct about it, sobrang collaborative.”
Tinanong naman ng BANDERA ang dalaga kung anu-anong mga qualities ang nagustuhan niya kay Echo.
“Siguro sobrang mapagmahal siya ng tao sa set, super maalaga siya, palagi niyang iniisip ‘yung crew, ganyan ‘yung ibang cast, mga katrabaho, si Tito Edu (Manano) laging niyang tsine-check kung okay sa standby area, sa lahat nu’ng makasalubong siya, parang ang liwanag lang niya sa lahat, sobrang bait,” lahad ni Janine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.