Heart, Echo muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project please

Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!

Ervin Santiago |January 14,2024
facebook
share this

Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!

Ervin Santiago - January 14, 2024 - 05:04 PM

Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!

Heart Evangelista at Jericho Rosales (Photo from Instagram/Facebook)

“REUNION project please!” Yan ang nagkakaisang request ng mga fans nina Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Ito’y matapos ngang magkita ang former couple sa isang event kamakailan na ikinatuwa ng kani-kanilang mga supporters.

In fairness, hanggang ngayon ay marami pa ring umaasa na magkakasama uli sila sa isang acting project. Ilang taon na rin ang nakararaan nang huli silang magtambal sa teleserye.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Heart ng isang video na kuha sa dinaluhan niyang event kung saan isa siya sa mga ambassador.

Baka Bet Mo: Jericho ibinandera ang OOTD sa loob ng ‘kulungan’, nakaposas pa: ‘I’m just very happy to be acting in front of the camera again’

Suot ang kanyang two-piece floral outfit mula sa Parisian designer na si Giambattista Valli, makikita ang Kapuso actress na nakikipagchikahan sa iba pang guests, including her ex-boyfriend na si Jericho.

Wala sa nasabing event ang husband ni Heart na si Sen. Chiz Escudero pati ang asawa ni Jericho na si Kim Jones na nababalitang hiwalay na raw ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang video naman na nakita namin mula sa fanpage ni Heart ay makikitang nag-hug at nagbeso pa ang dating magkarelasyon. Ayon sa nag-post, isa si Echo sa mga performers sa naganap na event.

Baka Bet Mo: Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

Nauna rito ay pinagpiyestahan din ng netizens ang in-upload ni Jericho na throwback paper dolls video nila ni Heart sa kanyang Instagram story na ginamit sa serye nila noon 2005 sa ABS-CBN na “Panday”.

“Si Heart nga ‘to, katawan ba ni Heart yan? Parang dinikit lang eh, pero at least, dati pa nasa fashion na siya. Oh, di ba? Hi, Heart!” ang post ni Jericho sa kanyang Instagram at itinag pa ang aktres.

“We’re good friends. I heard that he’ll be here tonight. Ah, it’s a surprise pala!” ang chika naman ng fashion icon nang tanungin tungkol sa viral post ni Echo.

Dahil dito, maraming kinilig na netizens at sinabing may magic pa rin ang tambalan ng dalawa kahit may kanya-kanya na silang buhay. Kaya ang wish ng mga fans ay muli silang magkasama sa isang serve o pelikula.

Last year, nagkita na rin ang dating magdyowa nang mag-reunion ang mga Star Magic artists na mga anak-anakan ni Johnny Manahan o Mr. M.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakasama nila rito sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Piolo Pascual, Diether Ocampo at Kyle Echarri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending