Jericho Rosales mas magiging 'bold' ngayong 2025: More fearless!

Jericho Rosales mas magiging ‘bold’ ngayong 2025: More fearless!

Ervin Santiago - January 15, 2025 - 06:00 AM

Jericho Rosales mas magiging 'bold' ngayong 2025: More fearless!

Jericho Rosales, Janine Gutierrez at Jodi Sta. Maria

NGAYON pa lang ay atat na atat na ang mga adik sa “Lavender Fields” ng Dreamscape Entertainment sa mga huling pasabog ng serye sa nalalabing 3 gabi.

Napakarami pa raw magaganap na twists and turns sa kuwento ng Kapamilya series na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, Jericho Rosales, Jolina Magdangal at Edu Manzano.

In fairness, lahat ng nasa “Lavender Fields” ay talagang nagmarka sa viewers, lalo na ang lead stars na sina Janine, Jodi at Echo.

“I’m so excited to see the last remaining days. The edit! Kasi wala kami preview, but some of my favorite scenes will be in the last 10 days. I’m very happy.

“I made a decision last year, I said it’s gonna be a ‘yes’ year. I’m gonna come back, be seen again in TV, music, films, on stage, and everything.

Baka Bet Mo: Para kay Agot, dapat maging presidente ng Pinas ay ‘strong, fearless, inspiring leader’

“And ‘Lavender Fields’ really helped me a lot in reintroducing myself as an actor,” sey ni Jericho sa panayam ng media sa naganap na finale presscon ng serye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya naman ngayong 2025, ine-expect ni Echo na marami pa siyang magagawang projects tulad ng “LF”, “This year is different.

“Last year was saying yes to all new experiences and great opportunities. But this year, I feel like let’s go bolder. Let’s be more creative, more fearless, and just reach for our dreams this year,” aniya pa.

Sey naman ng girlfriend ni Echo na si Janine sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang hit and trending series, “I’m so excited. Nagbi-binge-watch na ako para makahabol ako sa bagong episodes ng ‘Lavender Fields’ kasi pati kami, we really look forward to seeing the final output — kung paano lalabas sa TV at sa Netflix.”

Dagdag pa niya, “Sobrang challenging siya. I salute all the amazing kontrabidas of the Philippines kasi ang hirap! Ang hirap to portray a role na dapat kamuhian ka, pero at the same time, lahat naman ng ginagawa ng kontrabida may rason, di ba?”

Para naman kay Jolina, “Mami-miss ko talaga sila, ‘yung samahan. Kasi ang tagal ko hindi nag-soap, so ‘yung mga nasa taping, ‘pag walang ginagawa, nagkekwentuhan. I can say, mas nakikilala mo pa ‘yung tao ‘pag nakakakwentuhan mo.”

Inilarawan naman ni Jodi na “bittersweet moment” ang pagtatapos ng “LF”, “For me, hindi ko masasabi na excited ako. Bittersweet moment for me na parang kailan lang magkakasama tayong lahat dito na tulungan niyo kami i-promote.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And now nasa last, parang two weeks na lang, matatapos na. Parang grabe, lahat talaga ng bagay na nagsisimula, wala naman ibang pupuntahan, may katapusan talaga. Pero pinaka-important  du’n ‘yung mga nangyayari in between, ‘yung journey, ‘yung pauses,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending