Para kay Agot, dapat maging presidente ng Pinas ay 'strong, fearless, inspiring leader' | Bandera

Para kay Agot, dapat maging presidente ng Pinas ay ‘strong, fearless, inspiring leader’

Therese Arceo - March 03, 2022 - 07:48 PM

Para kay Agot, dapat maging presidente ng Pinas ay 'strong, fearless, inspiring leader'

HINANGAAN ng beteranang aktres na si Agot Isidro ang presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky sa kanyang tapang at pagmamalasakit sa kanyang nasasakupan.

Kasalukuyan kasing nahaharap sa krisis ang Ukraine matapos itong i-invade ng Russia sa utos ni President Vladimit Putin.

Sa kanyang Twitter account, ay inihayag niya ang importansya ng nangyayari ngayon sa ibang bansa sa pagdedesisyon kung ano ang dapat maging ugali ng susunod na magiging presidente ng Pilipinas.

“What is happening in Ukraine highlights the importance of a strong, fearless, inspiring leader that is standing up to a ruthless dictator,” saad ni Agot.

Aniya, isa ito sa mga dapat na i-consider ng mga botante sa darating na halalan. May pahaging rin ito sa isang kandidatong hindi naman niya pinangalanan.

“Something to think anout this coming elections. Isang kandidato dyan, debate lang naduduwag na,” dagdag pa nito.

 

 

Bagamat walang pangalan ay marami sa mga netizens ang nagsabi na ang pinatutungkulan nitong kandidato ay ang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil ito lang naman ang madalas na absent sa mga isinasagawang debates ng iba’t ibang media organizations.

Pinutakte naman ng mga comments ang tweet ni Agot.

“Agree with this tweet and I hope those who still are supporting them will wake up. I mean in debates alone, they are not present, what more in real crisis like what’s happening right now,” saad ng Twitter user na si @lebronbryant01.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni @Jean30897887, “So ‘yung mga kandidatong hindi dumating sa SMNI debate duwag din mga yun, di ba po?”

Ang SMNI debates na tinutukoy ng netizen sa reply sa tweet ni Agot ay ang debate na inorganisa ng Sonshine Media Network, International (SMNI) na pag-aari ni Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ na kamakailan ay idineklara ng FBI bilang isa sa mga kabilang sa “most wanted list”. Siya rin ay isa sa mga malalapit na kaibigan at tumatayong spiritual adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Related Chika:
Agot: Kailangang pinupuna ang injustices at social issues na taliwas sa dapat mangyari…itama lang natin
Darryl Yap binanatan ang ‘high heels’ paandar ni VP Leni: Poor planning, wrong decision
Agot sa mga beki at lesbian: Kung nirerespeto mo ang sarili mo rerespetuhin ka rin ng ibang tao
Jennica napaiyak dahil sa pinagdaraanang pagsubok: Hindi po ako strong…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending