Agot: Kailangang pinupuna ang injustices at social issues na taliwas sa dapat mangyari…itama lang natin
Agot Isidro
ALAM ni Agot Isidro kung kailan magsasalita at makikipaglaban para sa mga kanyang mga pinaniniwalaan at pinaninindigang isyu ng bayan.
Isa ang Kapamilya actress sa mga artistang walang takot na nagsasalita kapag alam niyang may maling ginagawa o sablay na aksyon ang mga opisyal ng gobyerno.
Ipinagdiinan ng Kapamilya actress na napakahalaga ngayon para sa lahat ng Filipino na ipahayag at ipagsigawan ang kanilang saloobin tungkol sa mga kaganapan sa paligid, lalo na sa mga pamamalakad ng pamahalaan.
“I think it’s important not just for celebrities but for everyone to voice out their opinions on certain social issues.
“Siguro naha-highlight lang kasi we have a certain influence over viewers, people that know us and see us. Importante siya dahil kailangan siguro for equality.
“Kailangan pinupuna yung mga injustices, mga social issues na medyo taliwas sa mga dapat mangyari. So itama lang natin by voicing out our opinions,” pahayag pa ni Agot sa ginanap na finale mediacon ng Kapamilya series na “La Vida Lena.”
Paliwanag pa ni Agot, “Hindi siya negative, we just want to make it right. And it’s not just for celebrities, it’s for everyone.
View this post on Instagram
“There’s such a thing as freedom of speech and freedom of expression. Kilala ko sarili ko eh, so I know which battles to fight or which battles to just let go.
“Alam ko yung mga ganyan. Alam ko yung paninindigan ko. Alam ko yung values ko. Alam ko if I should take the battle all the way or if I should stop or if I should let it go,” paliwanag pa ng aktres at singer.
Samantala, talagang na-enjoy daw ni Agot ang kontrabida role niya bilang si Vanessa Narciso sa Kapamilya primetime series na “La Vida Lena”.
“This was my first lock-in so medyo may kaba. Pero okay naman kasi we were all safe in the end plus masaya yung bonding.
“Plus natuwa yung mga tao na kahit 10 pm nila napapanood—it’s kind of late, but then a lot of people were watching it and a lot of people were tagging us in the show and then they’re saying na nag-e-enjoy sila.
“So yung satisfaction level namin mataas because people are enjoying the show. Parang naging great equalizer yung pandemic. Walang veteran, walang bago, parang lahat kayo nangangapa kasi bagong experience yung workingin a bubble,” pagbabahagi pa ng aktres.
Kung may isang eksena sa serye na hinding-hindi niya malilimutan, ito raw yung bonggang “red wine” scene nila ni Janice de Belen.
“Siguro nu’ng sinabuyan niya ako ng red wine. Kasi naman yung pinasuot sa akin puti tapos meron siyang double (layer). Nu’ng unang take si Janice iniiwasan yung mukha ko.
“Todo yun, nakita ko talaga yung red wine tumalon sa mukha ko tapos after nu’n gagawin mo yung eksena di ba? Tapos after nu’n yung false eyelashes ko na nandito na sa baba tapos yung buhok ko (basang-basa).
“Tapos may mga eksena pa. Sabi ko, ‘Guys, kailangan ko maligo kasi hindi naman yun wine. Grape juice yun eh. So malagkit.’ Masaya yun. Kumbaga hindi ka nagho-hold back so maganda yung kinalalabasan kasi parang natural, eh. Kumbaga hindi ka nagpipigil,” pag-alala pa niya.
https://bandera.inquirer.net/290739/agot-sa-mga-beki-at-lesbian-kung-nirerespeto-mo-ang-sarili-mo-rerespetuhin-ka-rin-ng-iba
https://bandera.inquirer.net/290822/agot-rumesbak-sa-mga-troll-na-tumawag-sa-kanya-ng-abnormal-haba-baba-inggitera
https://bandera.inquirer.net/300028/ano-ang-kantang-nagdudulot-ng-panic-attacks-kay-agot-isidro
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.