Erich Gonzales biglang nagparamdam sa socmed ilang buwan matapos ikasal; nagkomento sa Instagram post ni Julia Montes | Bandera

Erich Gonzales biglang nagparamdam sa socmed ilang buwan matapos ikasal; nagkomento sa Instagram post ni Julia Montes

Reggee Bonoan |August 24,2023
facebook
share this

Erich Gonzales biglang nagparamdam sa socmed ilang buwan matapos ikasal; nagkomento sa Instagram post ni Julia Montes

Reggee Bonoan - August 24, 2023 - 07:35 AM

Erich Gonzales biglang nagparamdam sa socmed ilang buwan matapos ikasal; nagkomento sa Instagram post ni Julia Montes

DAHIL sa magagandang video na kuha sa photo shoot ni Julia Montes na ipinost niya sa kanyang Instagram account ay napansin siya ni Erich Gonzales na isang taon nang hindi nakikita ng publiko mula nang ikasal.

Ang caption ni Julia sa video post niya ay, “Never regret a day in your life … good days give happiness, bad days give experience, worst days give lessons, and best days give memories…#JMtips.

“So happy to be with the team … missin kuya mac sa photo @macmerla …almost complete.”

Nagkomento si Erich ng smiling face with heart emoji. Kaya naman napansin siya ng ilang netizens at nag-reply sa mensahe niya kay Julia.

Sabi ni @kapamilyaalt, “Hope to see you on ABS CBN Ball #ErichGonzales.”

Say din ni @chamo2794, “We miss you, Erich!”

Oo nga ang dami nang nakaka-miss kay Erich dahil ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam mula nang ikasal siya kay Mateo Lorenzo noong Marso 23, 2022.

Inakala ng lahat maging ang mga kasamahan nitong artista sa Kapamilya network ay babalik na si Erich sa showbiz pagkatapos ng ilang buwan after ng kasal niya, pero tila mas gusto na nitong maging maybahay ng kanyang asawa at tumulong sa mga negosyo ng pamilya Lorenzo.

Huling post ni Erich sa kanyang IG account ay noong Mayo kung saan dumalaw siya sa dental clinic na ineendorso niya at sa IG stories ay pinasalamatan niya ang aktres na si Kathryn Bernardo dahil pinadalhan siya ng sapatos mula sa online store kung saan bumibili ang karamihan sa mga celebrities.

Ang sumunod na nagkomento sa post ni Julia ay si @dimplesromana, “DYOSAAAAA.”

Baka Bet Mo: Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga

Sabi naman ni “TV Patrol” news anchor na si @iambernadettesembrano, “Beautiful.”

Mula sa fashion stylist na si @kimsison_, “Blooming ang baby sissss ko!”

Stars emojis mula naman kay @avignonclinic.”

Say nina direktor na si Nuel Naval @directfromncn, at aktres na si Cherry Pie Picache @yescppicache, “beautiful.”

Sabi ng supporter nina Julia at Coco Martin na si @thecocojularchive, “You’re so beautiful, my love!”

Gayun din ang supporter ng aktres na @babyjuliamontes, “Diyosa to the highest level.”

Siyempre hindi rin nagpahuli ang fan page na @juliam.glows, “Beautiful as always.”

Anyway, tinanong namin ang handler ni Julia sa Cornerstone Entertainment na si Mac Merla kung para saan ang photo shoot ng aktres at kung may bago itong ineendorso o bagong proyekto.

“Ha ha ha! Well new movie at start na kami ng promo,” sagot ni Mac sa amin.

Sa madaling salita may bagong pelikulang gagawin si Julia and at the same time ay kasabay ng promo ng pelikula na ang hula namin ay ang movie nila ni Alden Richards na “Five Break-Ups and A Romance” na isinulat at idinirek ni Irene Emma Villamor na produced ng GMA Films, MYRIAD Corporation at Cornerstone Studios na sinimulan itong i-shoot noong Abril 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Erich mas gumanda at sumeksi matapos ikasal, pinayagan agad magtrabaho ng asawa

Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending