Enchong Dee grateful kay Erich Gonzales: Kulang na lang ikasal kami
ISA ang aktres na si Erich Gonzales sa mga malalapit sa puso ng actor at entrepreneur na si Enchong Dee.
Sa nagdaang guesting niya sa “Magandang Buhay” bilang selebrasyon ng kanyang ika-15th anniversary sa showbiz ay isa ang aktres sa mga nagbigay ng mensahe para sa binata.
“Dearest Chong, I would like to acknowledged all the small and big things that you have done in the past for me. You have been my all-in-one, my favorite leading man, friend, support system and a lot more,” saad ni Erich.
“It has been a great privilege to be a part of your 15-year journey in the industry. And for the many more years that I’m sure that you’ll be a constant in.
“You will always have my love and support. Count on me whatever and you know that.
“Happy 15th year, Chong! Cheers to more accomplishments, future endeavors, and creating more memories with you,” sey ni Erich.
Saad naman ni Enchong, kung ano man ang sinabi ni Erich ay ganon rin siya sa kaibigan.
“Ang saya kasi parang kulang na lang ikasal kami pero ang sarap kapag may mga ganoong tao na tanggap ka at kahit anong mangyari, nandyan ako para sa ‘yo,” pagbabahagi ni Enchong.
View this post on Instagram
2009 nang unang magkasama sina Erich at Enchong sa teleseryeng “Katorse”.
Simula nang magkatrabaho sila sa naturang show ay naging bahagi na sila ng buhay ng isa’t isa.
Dumating pa sa puntong na-issue na may relasyon sina Enchong at Erich pero nilinaw naman nilang dalawa na talagang close lang sila at itinuturing na bestfriends ang isa’t isa.
Related Chika:
Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak
Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.