Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay! | Bandera

Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay!

Ervin Santiago |June 29,2021
facebook
share this

Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay!

Ervin Santiago - June 29, 2021 - 08:58 AM

PINATUNAYAN ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros kung gaano kabuting tao at kaibigan ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

Grabe raw magmahal at magpahalaga ang dalaga sa mga taong malapit sa kanya, not to mention the fact na talaga raw napaka-generous nitong friend.

Ayon kay Melai, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga kabutihang ipinakita sa kanya ni Erich noong magkasama sila pelikulang “I Do” at sa teleserye ng ABS-CBN na “Two Wives.” 

“Ay, sobra ang experience ko diyan (kay Erich). Lahat ng mga gamit niya, ‘Mels, sa iyo na ito.’ Yung parang ‘ang ganda naman niyan.’ ‘Sa iyo na ‘yan.’ ‘Ano ka ba Ers, nagandahan lang ako.’ ‘Mels, dito ka sa dressing room ko.’ 

“Naalala mo ba Ers dati na parang nag-offer-offer ka pa sa akin, may mga offer ka sa akin na bahay. Sabi niya, ‘Sige na ako bahala, ano ba kailangan mo?’ 

“‘Ers, alam mo magkaibigan tayo pero hindi ako ganyan, ayaw kong gamitin ba na ganoon ba.’ Ito talaga (si Erich) grabe ka-generous,” kuwento ni Melai nang mag-guest si Erich sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.

Sey pa ng komedyana, talagang ipinaglalaban at itine-treasure daw ni Erich ang kanyang mga kaibigan.

“Sobra ka talaga na magiging kontento ka sa kanya pa lang. At si Erich kasi kapag siya ang mag-choose ng friend niya talagang hindi ka na niya titigilan. Talagang susundan at susundan ka na niyan,” chika pa ni Melai.

Ayon naman kay Erich, talagang hinahanapan niya ng panahon at oras ang pakikipag-bonding niya sa mga kaibigan. 

“Kumbaga quality talaga over quantity. Alam natin mahirap talaga magtiwala hindi ba? Pero for me once na naibigay ko ‘yung tiwala, gagawin ko talaga lahat to keep that friendship, alagaan ‘yon. 

“Kasi rare rin naman ‘yung mga tao na nakagaanan mo ng loob na alam mong you can trust also,” paliwanag ng dalaga na bida uli sa bagong Kapamilya series na “La Vida Lena” na unang ipinalabas sa iWant TFC last year.

Makakasama rin dito sina Carlo Aquino, JC de Vera, Kit Thompson, Janice de Belen, Agot Isidro at marami pang iba, sa direksiyon nina Jojo Saguin, Andoy Ranay at Jerry Lopez Sineneng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “La Vida Lena” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC at TFC para sa mga nasa labas ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending