Carlo iwas na sa babae: May asawa na 'ko, may boundaries na

Carlo iwas na sa mga babae: May asawa na ‘ko kaya may boundaries na

Ervin Santiago - December 04, 2024 - 12:25 AM

Carlo iwas na sa mga babae: May asawa na 'ko kaya may boundaries na

Carlo Aquino at Charlie Dizon

WALA naman daw masyadong pagbabago kay Carlo Aquino mula nang magpakasal ay magsama sila ni Charlie Dizon sa isang bubong.

Sabi ng Kapamilya actor at singer, may mga konting adjustments pero hindi namam masasabing major-major dahil matagal-tagal na rin naman silang magkakilala.

“Hindi rin naman siya masyadong iba sa noong hindi pa kami kasal. Ano lang talaga, dapat conscious ka lang sa kung anong nararamdaman ng partner mo.

“Ganu’n din naman kapag hindi kayo mag-asawa. Iba lang ang ano ko ngayon siguro, yung attention to details.

Baka Bet Mo: David Licauco dumami ang batang fans dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad’

“Basta mas binibigyan ko na ng importansya yung mga ginagawa ko for her,” pahayag ni Carlo na bibida sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Hold Me Close.”

Patuloy pa niya, “Siguro yung partner mo na yung palaging iniisip mo. Minsan kapag pagod na pagod ako sa taping, siya lang talaga. Tatawag ako, ‘Love, pagod na pagod na ako.’ (Sasabihin niya), ‘Okay lang ‘yan, ano ka ba, ang tagal mo nang ginagawa ‘yan.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by April Matienzo- Aquino (@charliedizon_)


“Totoo naman. Tapos, pinapatawa niya ako. Masaya na ako kapag narinig ko na yung tawa niya,” sey pa ni Carlo sa interview ng ilang members ng media sa presscon ng “Hold Me Close” kung saan makakatambal niya uli si Julia Barretto.

May humirit naman ng tanong kay Carlo kung hindi na siya magiging malapit sa ibang girls ngayong married na siya, “Malapit ako sa mga tao, lalo na ngayon. Pero iba na yung pagiging sobrang kumportable, di ba, kasi may asawa na ako. May boundaries na.”

Samantala, nabanggit naman ni Carlo na talagang nag-mature na siya sa maraming bagay at proud niyang sinabi na mas approachable at mas sociable na siya ngayon mula nang ikasal sila ni Charlie noong June 9, 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Noong Third World Romance (pelikula nila ni Charlie), iba na yung warmth. Siguro it comes with age din. Iba na rin kung paano ako mag-handle ng mga bagay-bagay,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending