David Licauco dumami ang batang fans dahil sa 'Maria Clara at Ibarra': Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad' | Bandera

David Licauco dumami ang batang fans dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad’

Ervin Santiago |March 14,2023
facebook
share this

David Licauco dumami ang batang fans dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad’

Ervin Santiago - March 14, 2023 - 07:20 AM

David Licauco dumami ang batang fans dahil sa 'Maria Clara at Ibarra': Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad'

David Licauco

NAKU, sorry na lang sa mga fans ng Kapuso hunk actor na si David Licauco dahil mukhang hindi n’yo na siya masyadong makikitang nagbibilad ng hubad na katawan.

Kinumpirma ng binata na mababawasan kung hindi man tuluyang mawawala ang paggawa niya ng mga projects kung saan kailangan niyang maghubad at magpakita ng katawan.

Ayon kay David, napakalaki talaga ng naitulong sa kanyang showbiz career ang pagganap niya bilang Fidel sa nagtapos na hit fantasy-historical drama series na “Maria Clara at Ibarra” sa GMA kasama si Barbie Forteza na gumanap naman sa papel na Klay.

Talaga namang sumikat nang bonggang-bongga ang tambalan nila ni Barbie na “FiLay” (pinagsamang Fidel at Klay) sa naturang serye. Tinatawag na rin sila ngayon ng mga fans na “BarDa” (Barbie at David).

After ng “Maria Clara at Ibarra”, agad silang binigyan ng follow up project ng GMA, ang “Daig Kayo ng Lola Ko” na isang child-friendly fantasy-drama anthology.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Kaya naman, ayon kay David kailangang “child-friendly” na rin ang image niya ngayon. Sa katunayan, balitang tinanggal na ang kanyang mga sexy billboards sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at ilang probinsya.

Mukhang paninindigan na nga ni David ang pagiging Pambansang Ginoo at iiwas na sa pagpapakita ng kanyang seksing katawan in public.

“So iyon, I mean, whatever works. I mean, kung ano yung magugustuhan ng mga tao, iyon ang gagawin ko.

“Nagkaroon kasi ako ng mga fans na bata because of Maria Clara At Ibarra, so child-friendly na tayo ngayon. Hindi na pwede yung hubad-hubad,” paliwanag pa ni David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Samantala, ayaw namang masyadong isipin ng aktor ang mataas na expectations ngayon sa kanya ng publiko.

Baka Bet Mo: Dingdong tumatakbo noon nang naka-adult diaper, military boots: Talagang pagtitripan ka!

“Siguro ano, gusto ko lang siya i-take day-by-day. Ayokong mag-isip masyado kasi, pag nag-overthink ka baka mas magkaroon ka ng anxiety or what, di ba?

“So ako, sabi ko, as long as gagalingan ko. And siyempre kailangan kong i-work on pa rin yung sarili ko with regards sa acting.

“Kailangan ko nang magpa-derma kasi medyo sumasama na yung aking skin. And then pati yung gym, siyempre kailangan ko pa ring alagaan ang sarili ko. I just need to be ready. So pag nagkaroon na ako ulit ng next project, ready ako,” aniya pa.

Albie Casino hindi ‘fan’ ng kasal: I don’t know if marriage is going to work for me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey Reyes nagbigay ng 6 rason kung bakit matumal ang MMFF 2021: Magpakatotoo na tayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending