Utol ni David Licauco sikat na sikat na rin sa socmed, tinawag na ‘Pambansang Bayaw’, pasukin na rin kaya ang showbiz?
KASABAY ng biglang pagsikat ng Kapuso hunk actor na si David Licauco ay ang unti-unti ring pagiging popular ng kanyang nakatatandang kapatid.
In fairness, marami na rin ang nagkakainteres ngayon sa utol niyang si James Licauco, 20-year-old setter ng volleyball varsity team ng Ateneo de Manila University.
Hindi mo maitatagong magkapatid sina James at David dahil nga talagang para silang kambal. Naging mas magkamukhang-magkamukha pa sila nang mabawasan ang timbang ni James.
Base sa ilang artikulo na nabasa namin sa social media, magkaiba naman ang personalidad ng magkapatid.
View this post on Instagram
Kung medyo mahiyain sa tunay na buhay si David ay kabaligtaran naman nito ang ugali ni James base na rin sa pagiging active nito sa TikTok, kung saan meron na siyang mahigit sa kalahating milyong followers.
Sa comments section ng kanyang mga TikTok videos ay palaging may nagtatanong kung may balak din ba siyang pasukin ang mundo ng showbiz tulad ni David.
Tawa kami nang tawa sa mga netizens na nagsasabing kung “Pambansang Ginoo” raw si David dahil sa karakter niyang Fidel sa hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra” ay “Pambansang Bayaw” naman daw si James.
E, kasi nga, ang pantasya at ang drama nila sa kanilang parallel universe ay sila ang dyowa ni David kaya naman “bayaw” na ang tawag at turing nila sa binata.
Joke, joke, joke pa ng mga fans, mahaba pa raw kasi ang pila ngayon kay David kaya kay James na lang muna nila ibubuhos ang kanilang time and energy.
View this post on Instagram
Kaya naman sure na sure kami na kapag pumasok na rin sa showbiz si James ay magiging instant star siya agad dahil na rin sa nakukuha niyang atensyon mula sa publiko.
Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN
Matatandaang sa panayam ng Kapuso Showbiz News, naibahagi ni David na naiiyak siya sa sobrang kaligayahan nang makita niyang nakasuot ng ADMU volleyball uniform si James pati na rin ang sister nilang si Jean.
“To be honest, the moment I saw my brother and my sister in that Ateneo uniforms, I went out ‘coz naiiyak ako.
“I got really emotional kasi… I just have this emotional side towards my siblings and nakakatuwa siyempre, nakita ko yung kapatid like having fun, also my sister having fun playing volleyball,” emosyonal na pahayag ni David Licauco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.