David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: 'Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila' | Bandera

David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’

Ervin Santiago |February 27,2023
facebook
share this

David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 05:59 AM

David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: 'Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila'

David Licauco, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

KUNG may gustong makatrabaho in the future ang Pambansang Ginoo at Kapuso hunk na si David Licauco, yan ay walang iba kundi sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngayong wala nang matatawag na network war sa mundo ng telebisyon, dahil sa pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA 7 sa ilang proyekto, hindi na nga imposibleng magkatrabaho ang mga Kapamilya at Kapuso stars.

Kaya naman very positive si David na hindi na suntok sa buwan ang pangarap niyang makasama sa isang proyekto ang KathNiel na matagal na raw niyang iniidolo at hinahangaan.

Sa panayam ng ilang members ng press sa presscon ng latest endorsement niyang Blue Water Day Spa, natanong ang binata kung sino ang nais niyang makatrabaho na Kapamilya stars

“I would love to work with Kathryn Bernardo. I’m a big KathNiel fan and growing up, sila (KathNiel) talaga yung pinapanood ko.

“Kinikilig ako sa sinehan kasama ko yung mga family ko or friends and mga girlfriends ko before. So yeah, I’m a big KathNiel fan,” proud na pag-amin ni David na sikat na sikat ngayon dahil sa tagumpay ng teleserye niyang “Maria Clara at Ibarra” sa GMA 7

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Chika pa ni David, ilang beses na niyang nakasama sa mga events sina Kathryn at Daniel dahil sa clothing brand na kanilang ine-endorse.

“I’ve met them a couple of times sa Bench na fashion show, but I never really go to talk with them,” sabi pa ng leading man ni Barbie Forteza sa “MCAI” na nagtapos na nga last Friday.

Sundot na tanong kay David, payag ba siyang maging third party sa tambalang Kathryn at Daniel sakaling alukin siya ng Star Cinema?

“Why not? Kasi KathNiel yun, e, di ba? I’m a big fan. Actually, every time na may mabigat akong eksena, pinapanood ko yung mga eksena ni Daniel.

“Yung mga pauses niya, kung paano siya magsabi ng specific line. Kasi siya talaga yung tinitingala ko sa showbiz,” aniya pa.

Inintriga naman ang aktor nang masabi niyang mga KathNiel movies ang pinanood nila ng dati niyang mga girlfriend. Si Sue Ramirez nga ba ang tinutukoy niya?

“Hindi, hindi! Iba! Iba! That was like 2014, 2015 pa. And pinanood namin, yung Can’t Help Falling In Love at saka yung isa…ano ba yun, yung nasa Subic sila? Crazy Beautiful You. That’s my favorite,” paglilinaw ni David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Nauna na ngang sinabi ng binata na hindi siya naniniwala sa “network wars” matapos paglabanin ang “MCAI” at ang “Darna” ni Jane de Leon. At nito ngang huling dalawang linggo nila ay ang “Batang Quiapo” naman ni Coco Martin ang itinapat sa kanila.

“I don’t believe in network wars. We all have to think na parang the reason why we have shows is because it’s for us to make people happy.

“Kasi alam naman natin na nakakapagod ang buhay minsan, maraming problema. So bakit pa tayo magne-network wars?

“Siguro nasa network na lang yun kung sino mas magaling, kung sino yung mas makakapagpasaya ng tao, sa ayun,” paliwanag pa niya.

David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

David Licauco nagpaalam na bilang ‘Fidel’, netizens napaisip: ‘May pa-FOR NOW, mukhang may season 2!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending