Jak Roberto sa dream house: Daming pagsubok! Walang sukuan!

Jak Roberto sa dream house: Ang daming pagsubok! Wala nang sukuan ‘to!

Ervin Santiago - March 12, 2025 - 06:30 AM

Jak Roberto sa dream house: Ang daming pagsubok! Wala nang sukuan 'to!

Jak Roberto at Barbie Forteza

NAPAKARAMING pinagdaanang challenges ng Kapuso actor at content creator na si Jak Roberto sa pagpapagawa ng kanyang dream house.

Nagbigay ng update ang tinaguriang Pambansang Abs sa pagpapatayo ng sarili niyang bahay na may tatlong palapag sa pamamagitan ng isang video.

Sa nakalagay na video description ng kanyang latest vlog sa YouTube, inamin ni Jak na hindi talaga biro ang magpatayo ng bahay dahil talagang maraming pagsubok na posibleng maranasan.

“Grabe totoo talaga ang sinabi nila, mahirap talaga magpagawa ng bahay pero sobrang nakaka-excite na guys! Ang dami nang nagdaan na pagsubok! Wala nang sukuan to,” ang sabi ni Jak.

Unang ibinalita ni Jak ang tungkol sa construction ng kanyang dream house sa pamamagitan din ng kanyang YouTube channel noong November, 2022. Para sa kanya isa raw itong big investment.

“Siyempre para sa future talaga ‘yun technically. Kasi investment na nga ‘yun sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)


“Since, bata pa ako, kami ni Sanya (Lopez) nagkaroon nga kami ng contents before naghanap ng mga bahay, like, iba pa rin kapag ikaw ‘yung nagpagawa. Sariling taste mo ‘yun, ‘yung function ng galaw mo sa bahay,” ani Jak.

Dagdag pa niya, “Ayun nung nakapagpa-design ako ang sarap sa pakiramdam. Design pa lang ‘yun, so how much more ‘pag napagawa mo na siya ng maganda na ganun na ganu’n.”

Sa pagkakatanda namin, nakasama pa ni Jak ang dati niyang girlfriend na si Barbie Forteza nang minsan niyang bisitahin ang ipinatatayong bahay.

Pero sa kasamaang-palad, naghiwalay nga ang ex-Kapuso couple. Kaya ang tanong, sino kaya ang susunod na girl ba dadalhin ni Jak sa kanyang bongga at sosyaling house?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending