Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers | Bandera

Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

Ervin Santiago |October 06,2021
facebook
share this

Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

Ervin Santiago - October 06, 2021 - 08:59 AM

Michael V at Kim Atienza

BUKOD sa Kapuso Primetime King & Queen at mag-asawang sina  Dingdong Dantes at Marian Rivera excited din si Kim Atienza na makatrabaho ang comedy genius na si Michael V.

Super fan din pala ni Bitoy at ng Kapuso gag show na “Bubble Gang” si Kuya Kim at nangangarap din siya na makapag-guest sa nasabing programa.

Sa virtual mediacon kahapon na ibinigay ng GMA 7 para sa pagiging certified Kapuso ni Kuya Kim, naikuwento ng award-winning TV host na matagal na silang magkakilala at magkaibigan ni Michael V.

Aniya, dating aide ng tatay niyang si vice-presidentiable Lito Atienza ang ama ni Bitoy na si Mang Cesar kaya talagang bata pa lang ang komedyante ay may koneksyon na sila.

Kaya sana raw, kung mabibigyan ng chance ay kung papayagan siya ng mga bossing ng GMA, gusto niyang makatrabaho si Bitoy at makapag-guest sa “Bubble Gang.”

“Gusto kong magpatawa lang doon. Tawang-tawa ako sa Bubble Gang. Isa talagang henyo si Bitoy,” ani Kuya Kim.

Samantala, sinagot din ng bagong-lipat na Kapuso ang ilang isyung ibinabato sa kanya ng mga bashers lalo na yung mga nagsasabing wala raw siyang isang salita dahil hindi niya napanindigan ang mga sinabi niya noong nasa kabilang istasyon pa siya.

“Ang binabato sa aking issue, e, ‘Bakit ko iniwanan ang ABS-CBN, sinabi ko namang di ko iiwanan?’ Ang sagot ko riyan, I am not leaving ABS-CBN at its darkest moment. The darkest moment of my former company has passed.

“Believe me, in a few months, they will announce something very beautiful which I cannot disclose, and it would be good for them.

“So, I’m leaving them at a time that is good. It’s not the time at their darkest. The time of their darkest was last year,” aniya pa.

Patuloy pa niyang depensa, “Ayun ang tamang weather ng pag-goodbye ko, at pagpasok ko. Talagang eksaktong-eksakto. Kung nahuli ako ng ilang araw, maaaring hindi mangyari.”

Paliwanag pa niya, “Alam mo, merong network wars talaga, e. Talagang may die-hard na Kapamilya, may die-hard na Kapuso. Kagabi nga nanonood ako ng 24 Oras, sa computer ako nanonood, at habang pinapanood ko, nakabukas ang chat room.

“Naku, walang tigil ang giyera sa Kapuso at Kapamilya, whatever you’re doing, whatever you’re saying, palaging may hater, e. If it’s valid, then maybe I’ll learn something. If it’s not valid, then I’ll know it’s just a troll, and I just let it pass.

“Sometimes I give a piece of trivia to answer the troll para maging nakakatawa lang yung sitwasyon,” dagdag pa ni Kuya Kim.

Mapapanood na ang TV host sa sarili niyang segment sa “24 Oras” at sa morning talk show na “Mars Pa More” kasama sina Iya Arellano at Camille Prats.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, makakasama rin siya nina Patricia Tumulak atEmil Sumangil sa bagong show sa GTV na “Dapat Alam Mo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending