David Licauco liligawan si Barbie Forteza kung wala si Jak Roberto: 'I like cute girls, yung simple lang' | Bandera

David Licauco liligawan si Barbie Forteza kung wala si Jak Roberto: ‘I like cute girls, yung simple lang’

Ervin Santiago |February 07,2023
facebook
share this

David Licauco liligawan si Barbie Forteza kung wala si Jak Roberto: ‘I like cute girls, yung simple lang’

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 08:27 AM

David Licauaco liligawan si Barbie Forteza kung wala si Jak Roberto: 'I like cute girls, yung simple lang'

Barbie Forteza at David Licauco

NAGPASABOG na naman ng kilig ang Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco na mas kilala ngayon sa bansag na “FiLay”.

Ito’y hango sa mga karakter nila sa GMA series na “Maria Clara at Ibarra” bilang sina Fidel at Klay na talaga namang bentang-benta at sinusubaybayan ng mga manonood.

Kahapon, sa “Fast Talk With Boy Abunda”, #KiligPaMore ang hatid ng dalawa sa mga Kapuso viewers dahil sa mga naging sagot nila sa tanong ni Tito Boy.

Naging isa sa top trending topic sa social media ang guesting ng breakout loveteam sa “FTWBA” dahil na rin sa kanilang naging sagot sa question na may kaugnayan sa ligawan.

Tanong ni Tito Boy kay David, “Halimbawa lamang David, hypothetical, single si Barbie, liligawan mo siya?”

“I like smart and go getter na babae,” tugon ng hunk actor.

“So, no?” ang natatawa namang pagsingit ni Barbie.

“I like cute girls, simple lang,” sabi uli ni David. Hirit na tanong uli ni Tito Boy, “Is it a yes or no?”

“Ganu’n si Barbie, so, yes,” agad-agad na sagot ni David.

Kasunod nito, si Barbie naman ang tinanong ng TV host,  “Jak (Roberto, boyfriend ng aktres) if you are watching, biro lamang ito.”

“Barbie ikaw, kung wala si Jak, sasagutin mo si David? Knowing what you know about him now,” dugtong ni Tito Boy.

Tugon ng dalaga, “Siguro kapag nakilala ko siya deeper, kapag naging close siya sa family ko and all basta ‘yung talagang kapag nalaman ko kung paano siya manligaw, maybe I’ll have an answer then.

“But now, we’re really good friends, so, yes,” nakangiting sabi pa ni Barbie.

Herlene Budol hindi kalilimutan ang pagiging ‘Hipon Girl’ kahit sumali sa Bb. Pilipinas

David Licauco: Kailangan ko talagang mas maging good looking, mas gumaling sa pag-arte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens pinuri ang mensahe ng pamamaalam ni Frankie kay Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending