Herlene Budol hindi kalilimutan ang pagiging 'Hipon Girl' kahit sumali sa Bb. Pilipinas | Bandera

Herlene Budol hindi kalilimutan ang pagiging ‘Hipon Girl’ kahit sumali sa Bb. Pilipinas

Therese Arceo - July 14, 2022 - 07:21 PM

Herlene Budol hindi kalilimutan ang pagiging 'Hipon Girl' kahit sumali sa Bb. Pilipinas

WALANG balak si Herlene Budol na kalimutan ang naging bansag sa kanya ng mga tao na “Hipon Girl”.

Sa kabila ng kanyang pagsali sa beauty pageant na Bb. Pilipinas at ang kanyang bonggang transformation ay patuloy pa rin ang dalaga sa pagyakap sa pagiging “Hipon Girl” niya.

Ito ang ibinahagi ni Herlene nang makapanayam siya ni Mama Loi sa YouTube channel nito.

Aniya, hinding-hindi naman daw mawawala sa kanyang buhay at patuloy itong magiging parte niya magpakailanman.

“Kasi hindi lang naman siya bansag eh, minahal ko yung name na ‘yun. Saka kasi kapag mahal mo, hindi mo ile-let go. Iki-keep mo siya,” pagbabahagi ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Kung wala si ‘Hipon,’ kung walang ‘Hipon’ na nakilala, walang ako eh. Walang Nicole, walang nasa TV, walang umaarte, walang umiiyak, walang nagpapatawa, walang nasa Binibining Pilipinas, at walang pupunta ng Miss Grand International.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Marami talaga ang humanga kay Herlene dahil sino nga ba ang mag-aakala na ang magaslaw at kalog na si Hipon Girl ay papasok sa mundo ng beauty pageant.

Sey nga ni Mama Loi, binasag raw ng dalaga ang “stereotype” ng mga kandidatang sumasali sa mga pageant.

“Kumbaga dati, kailangan ganito ang katawan, kailangan ganito sumagot, kailangan pala-ingles, kailangan yung mahinhin. Lahat ‘yun kumbaga binasag mo yung stereotype. Naging ikaw ‘yung ikaw,” saad ni Mama Loi.

Agree naman si Herlene at sinabing, “Hindi ako ‘yung tipikal na gusto n’yo pero ako ‘yung babasag ng trip mo.”

Kahit na ganoon ay mas marami pa ang nagmamahal sa dalaga dahil nananatili itong totoo kahit na hindi na siya tulad noon.

“I am not just a comedienne, I’m a beauty queen with a purpose. Pwede naman ‘yun e. Comedienne slash beauty queen slash with a crown,” sey ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Ang beauty queen naman nag-e-entertain din. Bakit hindi natin dagdagan ng twist na pasayahin din [ang mga tao]. Hindi lang basta [hinahangaan] ka, tinitingala ka. Lagyan mo ng twist, lagyan mo ng smile ang mga tao sa tuwing makikita ka nila.”

Hindi rin daw pinangarap noon ni Herlene na maging beauty queen dahil kabaligtaran ng mga tipikal na beauty queen contestants na prim and proper ang kanyang atake.

Pagkukwento ni Herlene, boyish daw talaga siya at ang tanging pangarap lamang niya ay ang magkaroon ng sariling bahay, makapagtrabaho, at makapag-provide sa pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unti-unti na nga niyang nakakamit ang kanyang mga pangarap dahil kamakailan lang nang magkaroon ng sariling bahay si Herlene na bigay mismo ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Related Chika:
Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending