Tony relate much sa mga sexual harassment case sa showbiz

Tony Labrusca relate much sa mga sexual harassment case sa showbiz

Ervin Santiago - February 25, 2025 - 12:50 AM

Tony Labrusca relate much sa mga sexual harassment case sa showbiz

Tony Labrusca at Herlene Budol

NAKAKA-RELATE ang hunk actor na si Tony Labrusca sa mga isyu ng sexual harassment sa mundo ng showbiz dahil minsan na rin siyang na-involve sa ganitong klase ng kontrobersya.

Sa mga hindi pa aware, inakusahan din noon ng sexual harassment si Tony pero inabswelto naman siya ng korte sa kaso dahil wala raw sapat na ebidensya laban sa kanya ang complainant.

Ayon sa aktor alam naman daw niya ang mga kaso ng sexual harassment sa entertainment industry at nalulungkot siya na may mga ganitong kaso ngayon sa showbiz.

“Ngayon, times are changing, ‘no? Marami rin kasing…marami din na biktima na pinagbintangan din ng sexual harassment.

“Katulad ko na kinasuhan ako na, you know, in the end, kami yung nanalo sa kaso.

“Kaya, I think, times are changing na. We all have to be extra careful kasi hindi na natin alam kung saan manggagaling yung attacks ng kung sino man, alam mo yun?” pahayag ni Tony.

Baka Bet Mo: Bela sa bashers: Kung hindi mo kayang sabihin sa harap ng tao ang isang bagay, huwag mo nang sabihin sa internet

“And everything is on social media now. Hindi lang nga social media e, may AI (artificial intelligence) pa tayo. So, I don’t know. I guess, yeah, mas kailangan din mag-ingat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“But you know, at the same time, enjoy your life. We only have one life to live. So enjoy.

“Basta lang hindi mo sinasaktan yung sarili mo, wala kang tinapakan na ibang tao, alam mo yun? Enjoy! I think life is meant to be your joy,” aniya pa.

Sabi pa ni Tony, sa panahon ngayon, dapat daw talagang triplehin pa ang pag-iingat lalo na sa mga taong hindi natin masyadong kakilala.

“Kailangan din naman, e. Saka, every day pinagpi-pray ko lang, ‘Lord, please guide me,’ you know. ‘Bring the right people to me.’

“Si Lord na ang bahala sa yo, Siya na yung magiging best defender mo,” sabi pa ng leading man ni Herlene Budol sa Kapuso afternoon series na “Binibining Marikit.”

Sa nasabing panayam, sinagot din ni Tony ang tanong kung good kisser si Herlene dahil nga may mga kissing scene sila sa naturang series.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Good kisser, parang nahihiya lang. Parang feeling ko tuloy ako yung rawrr!” ang diretsahang sagot ni Tony.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending