Bela sa bashers: Kung hindi mo kayang sabihin sa harap ng tao ang isang bagay, huwag mo nang sabihin sa internet | Bandera

Bela sa bashers: Kung hindi mo kayang sabihin sa harap ng tao ang isang bagay, huwag mo nang sabihin sa internet

Ervin Santiago - April 11, 2022 - 07:19 AM

Zanjoe Marudo at Bela Padilla

“WALA kaming sumbungan na tutulong sa amin kapag may ganitong nangyayari,” ang bahagi ng pahayag ni Bela Padilla tungkol sa mas lumalalang online bashing laban sa mga taga-showbiz.

Naikumpara kasi ng aktres, scriptwriter at director ang pambabastos at panlalait ng mga netizens sa mga artistang tulad niya sa mga empleyado sa opisina na nabibiktima rin ng pambu-bully at pang-aalipusta.

Sa ginanap na virtual mediacon ng Viva Entertainment para sa pelikulang “366” na pinagbibidahan ni Bela na siya rin ang sumulat at nagdirek, natanong ang aktres kung ano ang masasabi niya sa mas tumitindi bang online bashing sa social media, lalo na sa mga artista.

“Minsan merong issue na sobrang mabigat pero hindi tayo tinatamaan. Doon pa tayo sa maliit minsan nasasaktan o minsan napipikon.

“I think we all process these comments and yon nga, pagpuna, very differently,” pahayag ng dalaga.
Ipinagdiinan din niya na hindi siya sang-ayon na ginagawang normal ang pamba-bash at pambu-bully sa mga artista lalo na kung below the belt na ito at masyado nang personal.

“No, I don’t think so po. Kasi at the end of the day, kami, trabaho lang din namin ito ginagawa namin. Kung nasa office po ba tayo, is it okay na naninita tayo o namumuna tayo ng mga tao? Di ba, merong HR (Human Resource Department) sa opisina pag may mga ganitong situation?

“I guess, ang difference for us actors is wala kaming ganu’n, wala kaming sumbungan na tutulong sa amin kapag may ganitong nangyayari,” diin ni Bela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MEGA Entertainment (@megaentph)


Patuloy pa niya, “Sana, to begin with, kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet. Huwag mong i-comment sa Instagram page ng mga tao.

“Hindi kasi tama, eh, lalo na may pinagdaanan na tayong global pandemic. Parang we’ve all gone through something so big, tama pa ba na naninita tayo ng maliliit na bagay?

“Saka 2022 na. Hindi na appropriate po na nagsasabi tayo ng mga ganitong bagay na nakakalungkot lang o nakakaapekto sa isang tao,” dugtong pa niya.

Samantala, tungkol naman sa unang pelikulang idinirek niya kung saan siya rin ang bida, writer at co-producer, ang “366”, sumusumpa si Bela na ibang-iba ito sa mga nagawa niyang pelikula.

Makakasama niya rito sina JC Santos at Zanjoe Marudo, “My character here is so different from all the films I’ve done before kasi strong and spunky sila.

“Eh, dito sa 366, as June, I play someone very fragile who needs love after she loses her boyfriend Pao, played by JC. I find it so difficult to move on and Zanjoe as Marco volunteers to help me as a proxy boyfriend,” sey ni Bela na binansagan ng Viva Entertainment bilang Philippine Cinema’s Queen of Hearts.

Aminado naman ang dalaga na may mga challenges din siyang hinarap  bilang first time director, pero sa kabuuan, mas lamang pa rin ang kaligayahang naramdaman niya habang ginagawa ang “366.”

“Mas may room for me to play around thanks to my two leading men. Masaya kasi ang mga kaeksena ko, ang ganda ng energy na binibigay nila in every scene kaya napakadali ng trabaho namin. But yung first scene sa first shooting day, kabado ako.

“Buti si Zanjoe lang ang nasa unang eksena and may on and off button sa isip ko. Dito, director at artista ka, dito, director ka lang.

“May kaunti pang struggle to separate those two hats but it’s good my assistant director is napakagaling din, and with Direk Irene Villamor also helping us as creative producer, alam niya kung saan ko gusto dalhin ang bawat eksena,” ani Bela.

Todo rin ang pasasalamat niya kina JC at Zanjoe dahil hindi raw siya pinahirapan ng mga ito bilang direktor, “I’m very grateful to both of them kasi they’re very professional and so easy to work with. Pareho kaming tatlo na easygoing lang, so madali kaming magtrabaho. I’m comfortable with them and I trust them so much.

“Alam kong maasahan ko sila, so when Viva told me na sila ang makakatrabaho ko, I’m so happy kasi I know they’ll do well for a first time director like me.

“I really want to thank these two guys for supporting me in my directorial debut. I want it kasi to be collaborative and I don’t want any negative vibes on the set,” lahad pa ni Bela.

https://bandera.inquirer.net/306536/bela-padilla-norman-bay-masayang-nag-celebrate-ng-2nd-anniversary-you-make-my-days-brighter

https://bandera.inquirer.net/310144/bela-bilib-na-bilib-sa-2-leading-man-sa-366-si-jc-talagang-ginalingan-hindi-pa-action-tumutulo-na-ang-luha-2

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309682/bela-padilla-walang-awkwardness-na-naramdaman-kay-zanjoe-sa-366-i-already-got-passed-that-stage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending