Kyle Echarri sa bashers: 'Wag mong idamay yung pamilya ko

Kyle Echarri nagbabala sa bashers: ‘Wag mong idamay yung pamilya ko

Therese Arceo - December 29, 2024 - 04:07 PM

Kyle Echarri nagbabala sa bashers: 'Wag mong idamay yung pamilya ko

PINALAGAN ng Kapamilya actor na si Kyle Echarri ang mga netizens na bumabatikos sa kanya maging sa kanyang pamilya matapos maispatang kasamang mag-Pasko si Bella Padilla.

Ibinahagi kasi niya sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha ngayong Pasko kasama ang pamilya at aktres sa Cebu.

“Happy Birthday Jesus Christ [heart emoji] From mi pamilya and our new ‘@bela’ in the family,” saad ni Kyle sa caption.

Kaya naman agad umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ng aktor.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri ayaw sa mga artistang gusto lang sumikat, magkapera

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

May mga nagsasabi kasi na baka magkarelasyon sina Kyle at Bela dahil diumano’y ipinakilala na ito sa kanyang pamilya.

May iba naman na minasama ang caption ng aktor na tila pinapalitan raw ang kapatid nito dahil magkapangalan sila ng aktres.

Kaya naman hindi napigilan ni Kyle ang mag-react at maglabas ng sama ng loob sa mga natatanggap na backlash at pagkwestiyon ng madlang pipol sa pagsama ng aktres sa kanyang pamilya ngayong Pasko sa Cebu.

“Hays I was gonna stay quiet since it’s Christmas and we should be ending the year on a good note. Say all u want/think about me bahala na kayo diyan.

“Pero wag na wag mong idamay yung pamilya ko lalo na yung kapatid kong anghel na si Bella,” saad ni Kyle.

Aniya, ok lang sa kanya na kuwestiyunin ang lahat sa kanya pero huwag ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya lalo na sa yumaong kapatid nitong si Bella.

Sey ni Kyle, “Question whatever you want about me but never question the love me and my family have for Bella. Tsaka please… patapos na yung taon… kakatapos lang ng pasko…

“Masaya ka sa buhay mong ganyan ka magsalita sa buhay ng iba? Happy new year mwah mwah.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Humingi naman ng tawad si Kyle sa kanyang pagra-rant pero gusto niya lang idiin na huwag kakantiin ang kanyang pamilya.

“Sorry guys yall know I don’t care what anyone says about me… honestly. Pero pag nadamay po pamilya ko… Di ko lang kaya manahimik.

“Again loves no need to say anything na please just enjoy the holidays. We all deserve that after this long year,” sabi ni Kyle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending