Lolit Solis babu na sa Instagram, retired na sa ‘pakikisawsaw’
NAGDESISYON ang beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis na ihihinto na niya ang pagpo-post sa kanyang Instagram account.
Ngayong araw, December 31, amg magsisilbing huling araw niya sa oaghawa ng showbiz columns sa naturang platform.
“Mentally tired na ako talaga at parang ayaw ko na talagang sagarin ang utak ko at savor my semi retired position,” saad ni Manay Lolit.
Chika pa niya, wala na raw naman siyang dapat patunayan o hindi na niya kailangan pang maging transparent sa kanyang nararamdaman.
Baka Bet Mo: Lolit Solis ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Maris at Anthony, may hugot pa sa EX
View this post on Instagram
“Para ngang kung minsan sawsawera pa ang dating ko. Basta I feel completely happy this Christmas,” sey pa ni Manay Lolit.
Nagpaabot naman ito ng pasasalamat sa mga kaibigang artista para sa mga ipinadala nitong mga regalo.
“Iyon binigay na regalo ni Mama Ten at Alden Richards, iyon natanggap ko mula kay Paul Soriano at Toni Gonzaga, para bang nag-pull ng string sa puso ko,” dagdag pa ni Manay Lolit.
Nagpasalamat rin ito sa mga kaibigan na nagparamdam sa kanya ng tunay na pagkakaibigan.
“It was a very happy life na talagang utang ko sa showbiz,” sabi pa ni Manay Lolit.
Aniya, kahit pa tumigil na siya sa pagsusulat ng columns sa kanyang Instagram ay hindi mawawala ang koneksyon niha sa mga ito.
Lahad pa ni Manay Lolit, “Siguro naman kahit wala na akong IG at columns, iyon koneksiyon ko sa kanila hindi na mawawala. It’s about time to retire dahil ako na lang sa barkada namin ang natitira. I feel empty kung minsan at hindi ko na ma-grasp ang mga nangyayari.
“Time to stop while still enjoying. Goodbye, and Thank You very much for the friendship and patronage. All my LOVE. Babu and bongga.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.