Ivana Alawi tinalakan ng netizens, nag-promote ng online sugal
HINDI napigilan ng mga netizens na talakan ang Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi matapos itong maispatang nagpo-promote ng online sugal.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang kanyang larawan na may kinalaman sa iniendorsong sugal ang caption.
“Happy holidays,” panimula ni Ivana.
Dagdag pa nito, “Unwrap the fun this holiday season with BET88! Add some extra sparkle to your days with exciting games and surprises!”
Baka Bet Mo: Ivana Alawi sinugod ulit sa ospital after 2 days, anyare?
View this post on Instagram
Makikita naman sa comment section ng IG post ni Ivana ang pagkadisgusto ng netizens sa pag-eendorso ng dalaga.
“‘Earnings from online gambling aren’t a blessing – they come at the cost of others’ losses’- Jenela,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Hayst don’t promote gambling Miss Ivana they are not blessing.”
“Ms Ivana. Please for the sake of your beloved people. Do not promote gambling. Nakakasira tu ng buhay ng iba. Kahit sabihin mo mn na na sa tao yan. Mag kakaroon talang ng maiganyo niyan because of your promotion. Ang daming tao naghirap at nasira because of this. Pls stop promoting,” pakiusap ng isang netizen.
“Sad you promote this addictive [games]. Vice like this that taxes the poorest with false hope,” sey naman ng isa.
Hindi naman ito ang unang besss na may artistang kinol-out ng madlang pipol.
Matatandaang maski ang award-winning actress na si Nadine Lustre ay nakatanggap rin ng matinding backlash dahil sa pagpo-promote nito ng online gambling.
Marami ang naiinis sa mga artista gaya nina Ivana at Nadine dahil sikat sila at maraming mga followers na kabataan na maaaring maligaw ang landas o maimpliwensiyahan sa kanilang mga nakikita o napapanood.
Sa kasalukuyan ay wala pa namang pahayag ang Kapamilya star hinggil sa kinakaharap na isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.