Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka! | Bandera

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Ervin Santiago |March 29,2022
facebook
share this

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Ervin Santiago - March 29, 2022 - 07:50 AM

Herlene Budol

Herlene Budol

GAME na game ang Kapuso comedienne at TV host na si Herlene Budol o mas kilala sa bansag na “Hipon Girl” sa pa-question and answer niya sa kanyang YouTube channel.

Isa-isang sinagot ng dalaga ang mga hate comments na ibinabato sa kanya ng mga bashers sa pamamagitan ng bago niyang vlog na in-upload last March 23.

Isa nga sa mga diretsahan niyang sinagot ay ang mga nagsasabing sexy at makinis lang daw siya dahil mas lamang daw ang pagiging “bobita” niya.

Sa mga hindi pa masyadong aware, nadiskubre si Herlene sa “Wowowin” ni Willie Revillame nang sumali ito sa isang segment ng show bilabg contestant.

Bumilib si Willie sa galing ng dalaga sa pagpapatawa kaya kinuha niya ito bilang co-host. Gustung-gusto rin siya ng studio audience at mga televiewers dahil nga sa kanyang kakulitan at kakikayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole “Hipon” Budol (@herlenehipon)


Going back nga sa bagong entry sa  YouTube channel ni Herlene kung saan nakasama pa niya si Angelica Yap na nakilalala naman bilang Pastillas Girl, nireplayan niya ang netizen na nagsabing, “Maganda ka sana kaya lang bobita ka.”

Sagot ni Herlene, “True!” Ipinagdiinan niya na hindi siya nahe-hurt o nao-offend kapag sinasabihan siya ng bobo.

Paliwanag ni Hipon Girl, “Lahat naman ng bagay napag-aaralan. So, gusto ko na lang na tawagin akong bobo kasi, siyempre, kapag bobo ka, willing kang matuto sa lahat ng bagay na gusto mong pag-aralan.

“Level 1 pa lang ako. So, ang dami ko pang hindi alam. Pero sa ganda, salamat. Ikaw ang bukod-tanging nagsabi niyan. Tsaka tatay ko,” chika pa ni Herlene na ang tinutukoy na pumuri sa kanya ay si Pastillas Girl.

Samanta, nang mapag-usapan na ang isa pa sa kanyang mga pangarap na maging beauty queen ay parang bigla siyang nalungkot at bumaba ang energy.

Totoo raw na nagti-train siya sa pageant camp na Kagandang Flores para mas i-develop pa ang kanyang personality dahil balak nga niyang sumabak sa mga beauty pageant.

Binasa ni Herlene ang isang hate comment mula sa kanyang basher, “Wala kang pag-asang maging beauty queen. Huwag kang ambisyosa.”

Pag-alala ng komedyana, may isa  siyang schoolmate na nag-post ng  nasabing komento at tinag siya kalakip ang nakakalokang mensahe nito na ibigay na lang daw sa iba ang kanyang ambisyon na maging beauty queen.

Reaksyon ni Herlene, “Hindi raw nila nakikita sa akin yung pagiging beauty queen. Komento nila sa akin iyan. Akin lang, napanghinaan ako ng loob din.

“Sabi ng tatay ko, ‘Huwag mong iangat yung sarili mo. Dapat ibang tao ang mag-angat sa iyo.’

“So, kung yun pala ang nakikita ng ibang tao, ganoon pala ako. Bobo pala talaga ako. Wala pala talaga akong ambag.

“Kaya sinasabi ko na, ‘Malay niyo, balang araw, matuto ako. Mapag-aaralan naman lahat.’ Try lang nang try until you succeed,” katwiran ng Kapuso comedienne na nag-join noon sa Bb. Angono ng Sining 2017 at in fairness siya raw ang nagwagi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa gitna ng mga kanegahan at panlalait sa kanya ng mga bashers, hindi raw bibitiw si Herlene sa kanyang pangarap. Itutuloy daw niya ang pagsali uli sa beauty pageant dahil sa mga taon naniniwala sa kanya.

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending