Kapatid ni Barbie Forteza may pakiusap sa FiLay fans: Pakirespeto lang ang personal love life niya! | Bandera

Kapatid ni Barbie Forteza may pakiusap sa FiLay fans: Pakirespeto lang ang personal love life niya!

Therese Arceo |February 19,2023
facebook
share this

Kapatid ni Barbie Forteza may pakiusap sa FiLay fans: Pakirespeto lang ang personal love life niya!

Therese Arceo - February 19, 2023 - 12:06 AM

Kapatid ni Barbie Forteza may pakiusap sa FiLay fans: Pakirespeto lang ang personal love life niya!

MUKHANG naimbyerna na ang kapatid ni Barbie Forteza na si Gabrielle Vierneza dahil tila sumusobra na ang mga tagasuporta ng loveteam ng kanyang sisteret at ng aktor na si David Licauco sa teleseryeng “Maria Clara At Ibarra”.

Sa kanyang Twitter account ay nakiusap ito na sana ay magdahan-dahan naman ang mga ito dahil tila nakakalimutan nila na taken na ang kanyang kapatid.

Matatandaan na bago pa man mag-hit ang “FiLay” o ang tambalang Fidel (David) at Klay (Barbie) ay boyfriend na ng aktres ang kapwa Kapuso star na si Jak Roberto habang si David naman ay inaming kakahiwalay lamang sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Marami kasi ang tila naaliw nang malaman ito at nawala na nang respeto sa mga personal na buhay ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

“Pasintabi naman sa inyong nagmamarunong sa personal lovelife ng kapatid ko. Pakirespeto lang ang personal lovelife niya tulad ng pagrespeto n’yo sa ibang cast ng MCI. Ok bye,” saad ng kapatid ni Barbie.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens.

“May iba din talagang pasaway (hindi naman ata mawawala yung ganyan, baka trolls din talaga sila).. Pero mas marami pa din kami dito na busy kakaisip kung ano papel ni Fidel sa MCI. Char. Marami pa din kami open-mided na sumusuporta kina B and D,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Masiyadong wala na sa lugar mga binibitwang salita kay Barbie. sabi nga niya sa isang interview “tao lang din sila” may mga sariling buhay.. kaya nako talaga gigil ako sa mga mapangmata na parang may ginawang masama si Barang.”

Sey naman ng isa, “hindi mawawala ang mga delulu fans lalo na’t lumalaki na kasi ang fanbase. May mga fans talaga na di magagawang i-differentiate ang reel at sa real esp yung mga walang respeto sa personal lives ng mga artists.”

Samantala, wala pa namang reaksyon ukol rito sina Barbie, Jak, at David.

Related Chika:
Barbie pinapili ni Boy Abunda kung abs ni Jak o ni David: ‘It’s not what I’m after’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending