Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang | Bandera

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 09:10 AM

Barbie Forteza at Jak Roberto

UMAASA ang lahat ng kapamilya, kaibigan at mga tagasuporta ng Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza na sa kasalan din mauuwi ang kanilang relasyon.

In fairness, kahit may kaunting intriga at tsismis, napanatili pa rin ng magdyowa ang tahimik nilang pagsasama na mas lalo pa ngang nagiging solid sa paglipas ng panahon.

Sabi nga ng JakBie fans, kasal na lang ang kulang sa showbiz couple at sana nga’y sila na talaga ang pinagtagpo at itinadhana hanggang sa ending.

Isa raw sa mga sikreto nina Barbie at Jak ay ang pagiging understanding sa isa’t isa at ang “no pressure policy” sa kanilang pagsasama. Kaya naman chilax lang ang dalawa kahit pa may mga challenges sa kanilang relationship.

“The way we handle our relationship is very mature,” chika ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Jak. 

“Very practical, very chill, like super chill lang hindi na namin masyadong bini-big deal kung magkasama kami or hindi as long as tuloy-tuloy yung pag-uusap namin, yung communication namin,” sey ng dalaga.

Sa ilang taon daw nila bilang magdyowa ay napakarami na rin nilang pinagdaanan at masasabing mas matibay na rin ang pundasyon ng relasyon nila.

Nito ngang nagdaang holiday season, magkasamang ipinagdiwang nina Barbie at Jak ang Pasko at Bagong Taon sa bahay ng aktres kasama ang kanyang pamilya.

Sey ni Barbie sa panayam ng GMA, parang pamilya na rin ang turing ng kanyang pamilya kay Jak at kapag may mga espesyal na okasyon hindi na rin daw nila pinag-uusapan kung saan o paano sila magse-celebrate.

“Ang secure na namin sa isa’t isa e, so hindi na taong kung ‘Ano magkasama pa ba tayong magpapasko?’ Hindi na, matic na, e,” sabi ni Barbie.

Super kumportable na rin daw si Jak kasama ang kanyang pamilya, “Kitang-kita ko na very at home siya, very comfortable na siya around my family both with my parents and even with my relatives.”

Samantala, napapanood naman si Barbie bilang si Steffy Dy sa GMA Telebabad series na “Mano Po Legacy: The Family Fortune” kung saan kasama rin niya sina David Licauco, Boots Anson-Roa, Sunshine Cruz, Maricel Laxa-Pangilinan at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending