Barbie pinapili ni Boy Abunda kung abs ni Jak o ni David: 'It's not what I'm after' | Bandera

Barbie pinapili ni Boy Abunda kung abs ni Jak o ni David: ‘It’s not what I’m after’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 07:31 AM

Barbie pinapili ni Boy Abunda kung abs ni Jak o ni David: 'It's not what I'm after'

Barbie Forteza, Jak Roberto at David Licauco

ALIW na aliw ang mga fans and supporters ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza nang sumalang siya sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7.

Game na game na sinagot ni Barbie ang maiinit at maiintrigang tanong ni Tito Boy tungkol sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto at sa leading man niya sa seryeng “Maria Clara at Ibarra” na si David Licauco.

Nakasama ni Barbie si David sa guesting niya sa afternoon program ni Tito Boy. In fairness, sikat na sikat nga ngayon ang tambalan ng dalawang Kapuso stars na “FiLay” sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra”.

Sa “Fast Talk” segment ng show ni Tito Boy, nabanggit ni Barbie na wala siyang preference sa isang lalaki kung tisoy ito o chinito, basta ang mahalaga raw ay tanggap at mahal din ng kanyang pamilya.

“It’s not what I’m after,” ang sagot naman ng dalaga nang papiliin ni Tito Boy sa pagitan ng abs ni Jak o abs ni David. Pareho kasing hunk na hunk ang dalawang Kapuso actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jan Ra (@janra_)


At nang tanungin kung ano ang mas gusto niya, ang yakap ni Jak o ang yakap ni David, “Ang ganda ko naman. Both? Ha-hahaha!”

“I haven’t kissed David,” ang mabilis na tugon ni Barbie nang papiliin tungkol sa halik.

Gustung-gusto naman daw ng dalaga ang pagiging humble at mahiyain at ni David pati na ang humility nito sa sa kabila ng tinatamasang kasikatan ngayon.

Sunod na tanong ni Tito Boy kay Barbie, “Oo o hindi, magseselos ba si Jak kay David?”

“No,” ang mabilis na tugon ng Kapusp actress.

Next question, “Huling beses ka nagsinungaling?” Sagot ng dalaga, “Now.” Sinundan ito ng malakas na tawanan nina Barbie at Tito Boy.

At sa isang bahagi ng panayam, tinanong ng TV host si Barbie kung wala si Jak sa buhay niya, sasagutin ba niya si David sakaling manligaw ito sa kanya.

“Siguro kapag ano, nakilala ko pa siya deeper. Kapag naging close siya sa family ko and all. Kasi ‘pag nalaman ko kung paano siya manligaw, maybe I’ll have an answer then. But now, we’re really good friends,” sagot ni Barbie.

Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending