Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na 'tahanan' ang aktor | Bandera

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Therese Arceo |October 18,2022
facebook
share this

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Therese Arceo - October 18, 2022 - 02:36 PM

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na 'tahanan' ang aktor

TALAGA namang mapapa-“sana all” na lang talaga ang buong madlang pipol sa sweetness real-life couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Nitong Oktubre 17, nag-post ang dalaga sa kanyang Instagram page ng larawan kung saan makikitang magkahawak sila ng kamay ng binata.

“O aking tahanan,” maikli ngunit ubod ng tamis na caption ni Barbie.

Nag-reply naman sa kanyang post si Jak at sinabing “I love you so much!”

Hirit naman ni Barbie, “I love you! Laters baby.”

Umulan naman ng mga komento mula sa netizens at mga kasamahan sa industriya ang pag-flex ng Kapuso actress sa kanyang boyfriend.

“Ay kakilig naman!” comment ni Andrea Torres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Saad naman ng stylist na si Roko Arceo, “Bessy, baka langgamin kayo.”

“Gusto ko lang naman mag-Instagram. Bakit naman ganon Barbie ayyy HAHAHAHA,” chika naman ng netizen.

Talaga namang makikitang matibay at patuloy ang pagiging matatag ng kanilang relasyon na mahigit limang taon na rin.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang nang muling intrigahin ang relasyon nina Barbie at Jak kung saan sinabing tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.

Diretsahan namang nilinaw ng Kapuso star na walang katotohananan ang kumakalat na tsismis patungkol sa break up nila ng binata.

Ani Barbie, shookt na shookt siya nang malaman na may kumakalat na namang bagong balita tungkol sa kanila ni Jak.

“Dyusko! Tatawagan ko! Hindi kasi namin alam! I-inform ko siya para alam niya. Talaga ba, may lumabas na ganu’n?!” reaksyon ng Kapuso actress nang tanungin siya ukol sa isyu.

Chika pa niya, wala naman daw nasabi sa kanya ang aktor at hanga pa nga ito sa pagiging hands on nito sa kanyang pamangkin nang umuwi ito sa Pilipinas.

“To clear everything, napakasaya po ng puso ko ngayon dahil masayang-masaya po kami ni Jak,” lahad ni Barbie.

“I cannot explain how happy we are right now. And yun nga, nakasama ko ang pamilya ko, nakasama ko ang kapatid ko, ang pamangkin ko, ang brother-in-law ko kasama si Jak with my whole family. Nagkaroon ako ng time para makasama sila nang matagal,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay mapapanood si Barbie sa Kapuso teleserye na “Maria Clara At Ibarra” kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

Related Chika:
Barbie Forteza shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Herlene Budol tinupad ni Jak Roberto makalipas ang 4 na taon

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending