Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon... | Bandera

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Therese Arceo - July 19, 2022 - 02:08 PM

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon...

MUKHANG wala na talagang makahahadlang sa relasyon ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil ready na ang mga ito na sa usaping pagpapakasal.

Nitong Linggo, July 18 kasi ay nagkaroon ng birthday prod ang aktres sa kanilang noontime variety show na “All Out Sundays” at nagpaabot naman ng birthday message ang aktor para sa kasintahan.

““Alam niyo guys ‘yang si Barbie, madali lang naman ‘yan pasayahin e. Kailangan lang makarating agad sa kaniya ang delivery ng pagkain kasi kung hindi, ako na kakagatin niyan. ‘Di ba madam?'” saad ni Jak na ikinatawa at kilig ng mga co-hosts sa “All Out Sundays”.

Hirit pa nito, “Love you.”

Kwela naman ang naging sagot ng aktres sa mensahe sa kanya ni Jak.

“Ayon na nga nagulat naman ako na may paganyan pala siya. Well, sa totoo lang, ‘di naman ako na-offend, na-excite ako dun sa kagat part,” sey ni Barbie.

Inasar-asar naman siya ng kaibigan at co-star na si Gabbi Garcia.

“Hindi, hindi. Mas gusto ko talagang dumadating ‘yong delivery,” bawi ni Barbie sa kanyang unang statement.

Tinanong naman ni Christian Bautista ang aktres kung ano pa ba ang mga dapat gawin ni Jak para mag-level up na sa engagement ang kanilang relasyon.

“I think dapat may ipon. Bukod dun, wala na. Approved na. ‘Yun na lang, ipon na lang,” diretsong sagot ni Barbie.

May point naman ang aktres dahil sa panahon ngayon ay napakahirap na rin talaga ng buhay kaya tama lang na bago mag-settle down ay may sapat na silang ipon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Nitong Mayo lang nang magdiwang sina Barbie at Jak ng kanilang 5th anniversary sa Bohol. Napa-wow pa nga ang mga netizens sa mga hot photos nila sa beach dahil first time itong nag-reveal ng kanyang sexy figure sa social media.

Ngayon July 31 naman ay ipagdiriwang ni Barbie ang kanyang 25th birthday kaya siguradong marami ang nag-aabang kung ano ang magiging pasabog ni Jak para isorpresa ang kanyang girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending