Jak payag maghubo't hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring? | Bandera

Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Ervin Santiago |May 24,2021
facebook
share this

Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Ervin Santiago - May 24, 2021 - 11:18 AM

SUPORTADO ni Barbie Forteza ang lahat ng magiging desisyon ng boyfriend na si Jak Roberto hangga’t para ito sa ikauunlad ng kanyang showbiz career.

Kasama na nga riyan ang sinabi ng Kapuso hunk na willing siyang magkaroon ng frontal nudity sa isang pelikula tulad ng napanood nilang movie kung saan nagpakita ng pagkalalaki ang lead actor.

Ani Jak, handa siyang maghubo’t hubad sa isang project na pinaniniwalaan niya ang materyal. Kailangang maganda ang script at worth it ang gagawin niyang pagpapakita ng katawan.

Nakausap namin ang aktor pati na rin si Barbie sa virtual presscon ng GMA para sa guesting nila sa GMA Telebabad series na “Heartful Café” na pinagbibidahab nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Dito nga nasabi ni Jak na naikuwento niya noon kay Barbie na plano niyang mag-audition sa  Cinemalaya entry na “Fuccbois” ngunit hindi natuloy dahil sa kanyang schedule.

Sey ni Jak, “Kung ano talaga ang hinihingi sa isang eksena, ibigay natin. Pero, yun nga, depende siguro sa istorya at kung sino ang magdidirek, ganu’n.

“Ang GMA naman, laging naka-filter iyan at naka-support kung ano ang puwede nating gawin,” chika ng binata.

Hirit naman sa kanya ni Barbie, “Ready ka na ba du’n? Ha-hahaha! Pero, palagi ko ngang sinasabi, Hindi naman niya kailangan ang permission ko. Career niya iyan.

“Siya ang bahala diyan. Ako, support lang ako all the way. Support ako all the way kay Jak. Para hindi naman tayo mapahiya. Ha-hahaha!

“Siguro, hindi ko na lang isasama yung mga magulang ko sa premiere night!” ang tawa pa nang tawang pahayag ng Kapuso actress kung sakali ngang bibida si Jak sa isang pelikulang kailangan niyang maghubo’t hubad.

Sabi naman ng tinaguriang Pambansang Abs, “For me, wala naman akong pinipili lalo na ngayon, nagagawan naman ng paraan ng mga prosthetics na ganyan.”

Ang tinutukoy ni Jak ay ang ginawang eksena ni Paulo Avelino sa pelikula nitong “Fan Girl” kung saan gumamit nga ng prosthetics (ng male organ)  ang aktor habang dyumi-jingle.

Pilyang singit naman ni Barbie, “Actually, ang pinoproblema ko kung papano siya imu-mold. Parang dapat aprubahan kung ano ang magmu-mold nu’n! Ha-hahaha!”

For her part naman, gustung-gusto  ni Barbie ang role niya sa “Heartful Café” na may pagkabida-kontrabida ang dating. At ganito raw ang mga type niyang karakter kaya sana mabigyan pa siya ng ganitong mga project in the future.

Pero agad niyang nilinaw na hindi pa siya pwedeng magpaka-daring o tumodo sa pagpapaseksi, kumbaga dadahan-dahanin muna niya ang pag-level up ng kanyang acting career.

“I want a more sophisticated role. More sophisticated, mas edgy, mature, pero I never said daring. I never said I’m ready for a more daring role. Unti-unti, gradual dapat ang pag-level up,” pahayag ng dalaga.

Samantala, super na-enjoy daw talaga nina Jak at Barbie ang guesting nila sa “Heartful Café” dahil bukod sa nakasama nila uli ang mga kaibigang sina Julie Anne at David ay nakaka-fresh din ang mga ganap nila sa taping.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga  JakBie fans dahil dininig nga ng GMA ang kanilang request na muling mapanood ang magdyowa sa isang primetime series na pampakilig at pampa-good vibes lang.

Kaya naman kung gusto n’yong matulog sa gabi ng may ngiti sa labi at happy lang ang mind and soul, siguruhing manood muna ng “Heartful Café” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending