Sanya Lopez may dine-date na non-showbi: I think it's time na!

Sanya Lopez may dine-date na non-showbiz guy: I think it’s time na!

Ervin Santiago - March 30, 2025 - 07:45 AM

Sanya Lopez may dine-date na non-showbi guy: I think it's time na!

Sanya Lopez

YES! Mas nabibigyan na ngayon ng sapat na panahon ni Sanya Lopez ang kanyang lovelife at mukhang goodbye na siya sa pagka-NBSB o ang tinatawag na “no boyfriend since birth.”

Nakachikahan namin si Sanya sa ginanap na grand mediacon ng bago niyang movie, ang “Samahan ng mga Makasalanan” kasama si David Licauco, at inamin nga niya na may dine-date siya ngayon.

Non-showbiz daw ang guy pero tumanggi muna siyang pangalanan at magbigay ng mga detalye about him. Basta ang mahalaga raw ay ine-enjoy niya ang kanilang “getting-to-know-each-other” stage.

Sey ni Sanya no pressure rin daw ang pakikipag-date niya ngayon at nangakong hindi niya itatago ang identity ng lalaki sakaling maging sila na nga, “Kung sino man yung talagang ibigay sa akin ni Lord, siya na yun.”

Aniya pa, “Sa age natin ngayon (28), hindi na tayo maglalaro. When it comes to relationship naman, kahit kanino, seryoso rin naman siya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa panayam naman kay Sanya ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong siya kung tamang taon na ang 2025 para magkadyoa siya.

“Sa palagay ko Tito Boy time na. Hindi na tayo pabata, may time naman din tayo para doon din, and I think it’s time,” sey ng dalaga kasabay ng pangakong babalansehin niya ang kanyang career at lovelife.

“Balance. As long as hindi ko napababayaan ang trabaho ko, nagagawa ko nang maayos lahat ng trabaho ko at hindi siya nagiging sagabal.

“Ako as babae, gusto kong magkaroon din ng pamilya. I hope magkaroon ako ng family ng kahit 32, 33. Hindi naman na siguro masama,” sabi pa niya.

Kinumpirma rin ni Sanya kay Tito Boy na ang nagbigay sa kanya ng sandamakmak na bulaklak noong Valentine’s Day ang dine-date niya ngayon.

“Opo, meron naman. Nakakakaba naman ‘pag si Tito Boy ang nagtatanong. Ha-hahaha! Pero every Valentine naman po marami.

“I’m talking about that potential boyfriend. Nandiyan na? Dumating na?” sundot ng King of Talk.

“Makikita natin Tito Boy. Kasi nandoon pa lang ako sa kinikilala ko talaga ‘yung tao,” ani Sanya.

“Naghahanap kasi ako hindi na ‘yung pangmadalian na relasyon,” dagdag niya. “I’m not any getting any younger, naghahanap ako ng partner na talaga, hopefully,” dugtong ng dalaga.

Ito naman ang message ni Sanya sa kanyang magiging first and hopefully,  last boyfriend, “If ever kung nasaan ka man, kung nandiyan ka na…gabayan mo kami Lord. Gusto ko si Lord lang ang nasa center namin, kasi kapag may takot ka sa Kanya eh. Siguro ako na ‘yung pangalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana ingatan mo ang heart ko kasi if ever ikaw ang first boyfriend ko eh. Sana siya na ‘yung first husband ko soon, kung siya man ang ibibigay ni Lord sa akin. Lord nasaan na siya?” sey pa ni Sanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending