EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero... | Bandera

EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

Ervin Santiago |August 10,2021
facebook
share this

EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

Ervin Santiago - August 10, 2021 - 09:16 AM

Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz

READY na ang Kapuso actor-dancer at singer na si Edgar Allan Guzman na pakasalan ang girlfriend niyang aktres na si Shaira Diaz.

Ayon kay EA, hindi naman daw siya nape-pressure kapag lagi siyang tinatanong tungkol sa pagbuo ng sariling pamilya at kung kailan sila magse-settle down ni Shaira.

Sa guesting ng aktor sa “Mars Pa More” tinanong nga ng host na si Camille Prats kung may nararamdaman siyang pressure na i-level up na ang relasyon nila ni Shaira.

“Mars, as of now, ako wala. Kasi ayun nga yung kagandahan ng relationship namin eh. Kasi si Shaira is 26-years-old.

“Ako, hindi ako nape-pressure na mag-30 na siya kailangan na namin mag-settle down. Pinapakita niya sa akin at pinaparamdam niya sa akin na ginagawa pa niya yung gusto niya,” lahad ni Edgar Allan.

Pagpapatuloy pa ng Kapuso actor, nakikita at napi-feel niya na may mga gusto pa siyang gawin at marating sa kanyang showbiz career at ayaw naman niyang maging hadlang dito.

“Masaya pa siya rito. So hindi ko siya tinatanong na, ‘Ready ka na ba?’ Pwede na ba?’ So, ako nararamdaman ko,” pahayag ni EA.

Sey pa ng binata, alam niyang hindi pa handang magpakasal si Shaira, “So ako, dito lang ako sa likod mo, suportahan lang kita. Kapag alam ko at naramdaman ko na ready ka na, ‘yun that’s the time na okay na.

“Kasi ako, ready na ako eh. Ready to settle down pero siyempre siya rin yung iniisip ko,” sabi pa ni EA.

“Parang mas lalo ko pang minamahal si Shaira kasi binibigyan niya rin ako ng time. Time para ayusin yung sarili ko.

“Para kumbaga kapag ready na siya anytime, ready na rin ako. Ganoon. Ang ganda, ang sarap,” pagbabahagi pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paalala naman ni Camille, ang mahalaga sa isang relasyon ay pareho nilang nae-enjoy ang kanilang pagsasama at ang maganda pa ay nabibigyan pa sila ng panahon para mas makilala pa ang isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending