Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa | Bandera

Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa

Therese Arceo |September 24,2022
facebook
share this

Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa

Therese Arceo - September 24, 2022 - 11:37 AM

Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa

NAPAMURA ang talent manager na si Ogie Diaz matapos umabot sa kanya ang chikang hiwalay na ang Kapuso stars na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang isang artcard na may larawan ng mag-dyowa na may nakasulat na “JAKBIE NO MORE”.

“Put— ina! True ba to? Di naman ako prepared,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Di tuloy ako makakain. Gusto kong itaob ang mesa. Baka naman [may] chance pa?”

Ngunit mukha namang walang katotohanan ang balitang umabot kay Ogie at marahil napag-tripan na naman ng mga netizens na gawan ng artcard ang magkasintahan.

Nang bisitahin namin ang Instagram account ng dalawa ay nandoon pa rin ang mga larawan nilang magkasama.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mapabalitang hiwalay na sina Barbie at Jak.

Matatandaang noong July 2021 ay umalma ang dalaga patungkol sa mga kumakalat na “fake news” ukol sa umano’y break up nila ng aktor dahil nakalimutan raw nito ang exchange gift sa kanilang monthsary.

Pinabulaanan naman ito ng aktres at sinabing wala namang katotohanan sa lahat ng mga nakasulat sa naturang artcard.

“To whoever made this, you’re welcome,” saad ni Barbie kalakip ang mga screenshot ng FB page na gumagaya sa Inquirer.net.

Samantala, mukhang going strong naman ang relasyon nilang dalawa at sa katunayan ay nitong May 2022 ay ipinagdiwang nila ang kanilang 5th anniversary sa isang resort sa Bohol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Sa nakaraan ding birthday prod no Barbie ay natanong siya kung ano pa nga ba ang kulang para naman mag-level up na ang kanilang relasyon.

“I think dapat may ipon. Bukod dun, wala na. Approved na. ‘Yun na lang, ipon na lang,” sagot ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Barbie Forteza, Jak Roberto 5 years nang magdyowa, netizens napa-wow

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending