Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya! | Bandera

Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Ervin Santiago |September 24,2022
facebook
share this

Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Ervin Santiago - September 24, 2022 - 06:20 PM
Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

SHOCKED ang Kapuso actress na si Barbie Forteza sa naglabasang tsismis na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Wala raw kaalam-alam ang dalaga sa nasabing chika kaya nagbiro pa ito na tatawagan niya agad si Jak para ipaalam sa aktor ang kanilang “break-up.”

Nakachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media si Barbie sa presscon ng pinakabago niyang primetime series sa GMA, ang “Maria Clara at Ibarra” kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

Dito nga siya natanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jak, “Dyusko! Tatawagan ko! Hindi kasi namin alam! I-inform ko siya para alam niya. Talaga ba, may lumabas na ganu’n?!”

Pagpapatuloy pa niya, “Last time I checked, wala namang nababanggit sa akin si Jak. Magkasama kami kanina, hinatid namin ang kapatid ko at yung pamangkin ko pabalik ng Amerika, hinatid namin sila sa airport.

“Very hands-on ninong siya sa pamangkin. Very touching for me, kasi naunang umuwi yung kapatid ko from the US bago ako nakapag-leave sa trabaho.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

 

“So, habang wala ako, siya talaga yung naging hands-on. Siya talaga yung nag-asikaso sa kapatid ko, sa buong family ko while I’m gone.

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay, yun,” sey pa ni Barbie.

“Nagulat naman ako. Break na naman kami?!? Nag-break na kami dati, a,” natatawang pahayag ni Barbie.

“To clear everything, napakasaya po ng puso ko ngayon dahil masayang-masaya po kami ni Jak.

“I cannot explain how happy we are right now. And yun nga, nakasama ko ang pamilya ko, nakasama ko ang kapatid ko, ang pamangkin ko, ang brother-in-law ko kasama si Jak with my whole family.

“Nagkaroon ako ng time para makasama sila nang matagal. And ngayon, meron akong napakalaking proyekto, which I’m very thankful for,” lahad ng Kapuso Primetime Princess.

Samantala, trailer pa lang ng “Maria Clara At Ibarra” ay bentang-benta na sa mga entertainment reporters at vloggers lalo na ang mga nakakaloka at nakakatawang eksena ni Barbie.

Sa kuwento, mapupunta ang karakter ni Barbie na isang Gen Z, sa kuwento ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”.

Makikilala niya rito sina Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso at iba pang karakter na nilikha ni Rizal sa kanyang mga panulat na siyang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.

Kasama rin sa fantasy-historical serye na ito ng GMA sina Rocco Nacino, Juancho Trivino, Tirso Cruz III, Manilyn Reynes at marami pang iba.

Mapapanood na ito sa simula sa October 3, kapalit ng magtatapos nang hit Kapuso series na “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Related Chika:
Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Jak Roberto natakot nang ialok sa kanya ang ‘Never Say Goodbye’: Mabigyan ko kaya siya ng hustisya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending