Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, 'Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,' kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry | Bandera

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Ervin Santiago |December 12,2022
facebook
share this

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 06:57 AM

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, 'Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,' kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Barbie Forteza at Jak Roberto

ISA sa mga dahilan ng pag-aaway o hindi pagkakaunawaan ng Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ay ang pagmomotorsiklo ng aktor.

Alam ng kanilang mga kaibigan at  tagasuporta na itinuturing ni Jak na prized possession ang kanyang mga motorsiklo kaya talagang alagang-alaga niya rin ang mga ito.

Inamin ni Barbie na hanggang ngayon ay nababahala at natatakot siya kapag nagmo-motor ang kanyang boyfriend.

Sa guesting ng JakBie sa “Updated With Nelson Canlas” podcast, natanong sila kung ang kasiyahan ba ni Jak ay dahilan din ba ng pag-aaway nila ni Barbie?

Sabi ng Kapuso hunk, “Oo nga, ‘yun din ang tanong ko. Buti kahit paano Madam (tawag niya kay Barbie) pumapayag ka na?”

Tugon ni Barbie, “Ang tanong, may choice ba?” Na sinagot ni Jak ng, “Meron naman. Kaya nagpapaalam nga, e.”

Dito na nga nabanggit ng aktres na nagiging sanhi rin ito ng pag-aaway nila. Sey ni Barbie, nag-aalala lamang siya sa kaligtasan ng kanyang boyfriend habang nagmomotorsiklo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CSS Philippines (@californiasuperbikeschoolph)


“Minsan may mga sinasabi ‘yan, ‘Mas madaling mag-sorry kaysa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry na lang siya after,” pahayag ni Barbie.

Pero bigla namang kumambiyo ang dalaga at sinabing proud siya sa pagiging maingat at responsableng rider ni Jak na nag-enrol pa talaga sa isang superbike school.

Kuwento naman ni Jak, “‘Yung California SuperBike School, ano naman ‘yun, more on parang school talaga siya for big bikes.

“Para kung paano mo gamitin nang maayos ‘yung motor, kung paano ‘yung safety mo sa pagra-ride, mga fundamentals ng motor, ganu’n.

“Itong California SuperBike School galing siya sa ibang bansa, mga coaches pumupunta pa dito para mag train lang ng mga willing mag-enroll doon,” aniya pa.

At upang mapanatag si Barbie, binigyan niya ng paraan para ma-track siya nito habang nagmamaneho, “Nakikita niya sa tracker kung nasaan ako. Pati battery ko, kung saan huling pinuntahan ko, nandoon lahat.”

Hirit naman ni Barbie, “Uy pero advisable ‘yun. Hindi kita kinukulit, hindi ako napa-paranoid kung nasaan ka, ‘di ba?

“Ano lang naman ‘yun, safety purposes din. Kasi mahilig akong manood ng mga crime. So siyempre pagka hindi ka na nagme-message tapos hindi pa kita nata-track, papaano, ‘di ba? Mahirap. Para nandoon ako agad,” aniya pa.

Sey pa ni Jak, “Lagi naman akong nasa mabuting kamay. ‘Yung mga sinasamahan ko rin naman sa pagra-ride, as in, ‘yung mga kumpare ko na rin.

“We care for each other and everytime nagra-ride kami, meron kaming backup na four wheels, kumpleto naman kami sa gamit kapag na-flatan, may mga first aid kit, ‘wag naman sana, kung merong sumemplang, mga ganu’n.

“Saka ‘yun nga ‘yung advantage kapag nakapag-riding school muna. Confident ka kapag nasa kalsada. Hindi rin kasi biro ‘yung big bike e, syempre, iba-iba ‘yung makina niyan, mabilis. Kailangan rin ng proper riding experience,” pahayag pa ng tinaguriang Pambansang Abs.

Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jak Roberto natakot nang ialok sa kanya ang ‘Never Say Goodbye’: Mabigyan ko kaya siya ng hustisya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending