Jerald, Kim todo kayod sa wedding preps: ‘Ipon-ipon, contact-contact muna!’

PHOTO: Instagram/@viva_films
MUKHANG ipu-push talaga ng soon-to-be husband and wife na sina Kim Molina at Jerald Napoles ang dream wedding nila.
Sa exclusive interview ng Push ABS-CBN, inamin ni Jerald na very busy sila ngayon ng fiancee hindi lang sa kanilang proyekto, pati na rin sa wedding preparations nila.
Chika ng comedian-actor, “Kasalukuyan, si Kim ay busy sa pag-contact ng mga dapat kontakin para sa wedding namin. Contact-contact muna.”
Kasabay nga raw niyan ang pagiging abala sa kanilang projects para mapag-ipunan mabuti ang kanilang special day.
“Kami naman, sabay kami ngayong ipon-ipon din,” sey niya.
Baka Bet Mo: Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan
Paliwanag ni Jerald, “Because, of course, kung papalarin, we wanna get married as soon as possible. Because nakapag-propose naman na.”
Kung matatandaan, naunang sinabi ng couple na nais nilang ikasal ngayong taong 2025.
Pero sa recent interview sa aktor, ang sabi niya: “In God’s time, of course, kung ibibigay agad, thank you very much. Pero kung pag-iipunan, I think, may chance naman na makapag-ready pa.”
Nitong Enero, ibinahagi ng couple sa isang mediacon na plano nilang magpakasal this year kaya naman ang hiling niya ay mabigyan pa sila ng mas marami pang projects para sa kanilang dream wedding.
“Pero du’n po sa tanong kung kailan, kung ngayong taon, sana…sana ma-push kahit sa last quarter ng 2025. Yun yung goal, pero tingnan natin,” sey ni Jerald last time.
Esplika pa niya, “Meron na rin kaming wedding and events organizer na kausap, so, humihingi rin kami ng payo sa kanila kung ano yung mga suggestions nila, kung ano ba ang mas maganda, kung paano maiiba sa mga nahawakan na nilang weddings in the past, especially sa mga celebrities.”
Noong August last year nang mangyari ang marriage proposal ng komedyante sa aktres na ginanap sa PETA Theater.
Para sa kaalaman ng marami, ito ‘yung lugar kung saan sila unang nagkakilala bilang nagkatrabaho sila sa 2014 jukebox musical play na “Rak of Aegis.”
Samantala, una naman silang nagtambal sa pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” noong 2021.
At kasunod niyan ay naging mag-love team din sila sa drama film na “Ikaw at Ako at ang Ending,” at ang romantic-comedy film na “Girlfriend Na Pwede Na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.