Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan
WALANG nararamdamang pressure ang magkarelasyong sina Jerald Napoles at Kim Molina kahit na ayaw silang tantanan ng tanong kung kailan sila magpapakasal.
Ilang taon na rin kasing live-in partners ang dalawa kaya naman kasal na lang talaga ang hinihintay ng madlang pipol para makumpleto na ang buhay nila as a couple.
Ngunit sa kabila nga ng paulit-ulit na pangungulit sa kanila ng kanilang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta, parang hindi pa rin nila priority ang marriage.
“Napag-uusapan naman (ang wedding), pero wala pang concrete plans. We talk about our future at alam naman namin kunsaan kami papunta.
“E, sa ngayon, we focus muna on our careers and also we put up our own business, so inaasikaso namin ‘yun. We have FitMix, a premium dark chocolate slimming drink and FitMix Coffee Blend that will help you lose weight.
View this post on Instagram
“We also launched our own clothing line. Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap mapanindigan kapag nandu’n ka na.
“So now, we feel that we need to maximize muna our individual potentials before we settle down and start our own family,” paliwanag ni Jerald sa presscon ng bagong romcom movie nila ni Kim na “Girlfriend Na Pwede” mula sa Viva Films.
Anu-ano ba ang mga qualities ni Kim na gustung-gusto niya, “Nagkahulihan kami agad ng ugali, e. Sa kanya, nakahanap ako ng katapat ko. May qualities siya na ayoko, pero na-realize ko, nandu’n din naman sa akin.
“We are very open to each other. Ako kasi, feeling ko, pag may gusto ako, 95 percent nang tama ako, pero kapag nag-usap kami and I hear her side, then I realize na tama rin naman siya. She makes me become aware of what I lack. Sa ngayon, thankful lang kaming we have each other,” sey pa ng komedyante at singer.
Samantala, feeling blessed and thankful din ang magdyowa dahil sa patuloy na pagbibigay ng projects sa kanila ng Viva.
“Nagpapasalamat kami talaga sa Viva kasi binigyan kami ng chance na puwede rin kaming magdrama at hindi comedy lang.
“But now, balik kami sa romantic comedy for which the viewers accepted us in ‘Jowable’ and ‘Babaeng Walang Pakiramdam’. Dito sa ‘Girlfriend na Pwede Na’, I play Isko Buko, tindero ng buko juice.
“Nagulat na lang ako when Kim as Pam, along with her friends, approached me to convince me na magpanggap na boyfriend niya. Bibihisan daw nila at igu-groom para magmukhang mas sosyal,” kuwento pa niya tungkol sa tema ng bago nilang movie.
Kasama rin sa pelikula si Gab Lagman as Jiggs, ang ex-dyowa ni Kim sa kuwento, “Narinig niya kasing sinasabi ni Gab sa friends niyang si Kim, ‘yung tipo ng girlfriend na, puede na, parang pamasak-butas lang.
“Siyempre na-hurt siya, kaya nakipag-break siya pero na-realize niya agad na love pa rin niya ito at gusto niyang pagselosin lang,” chika pa ni Jerald.
Ang “Girlfriend Na Pwed Na” ay mula sa direksyon ni Benedict Mique mula sa panulat nina Noreen Capili at Aya Anunciacion.
Natanong din si Jerald kung kumusta katrabaho si Direk Benedict, “First time ko with him at nagkasundo agad kami kasi makulit din siya.
“Kapag may eksenang kukunan, siya pa ang nagtatanong, o, anong gagawin natin dito? He’s very collaborative and I think we’ve come up with a romcom that is truly very entertaining and will please all kinds of viewers,” aniya pa.
Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad
Jerald, Kim dedma muna sa kasal: Kailangan muna naming maka-survive
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.