Linyahan ni Kim kay Jerald na ‘buntisin mo ‘ko’ pak na pak sa ‘Un-Ex You’

Jerald Napoles at Kim Molina
LAST year ay natagpuan ng celebrity couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina ang kanilang “Seoulmeyt” sa isa’t isa.
Taong 2023 naman nang patunayan ni Je na mahigit pa sa “Girlfriend Na Pwede Na” ang kanyang fiancée na si Kim at may pagkakataon naman ba sa “Sa Haba ng Gabi” noong 2021 ay na-trauma sila sa mga zombie.
Sa taong ring ‘yan nang gumanap si Kim bilang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” at nakadama ng iba’t ibang emosyon kasama si Jerald sa “Ikaw At Ako at Ang Ending”.
Marami nang pinagdaanan ang powerhouse couple na ito simula pa noong gawin nila ang pelikulang “Jowable”. At ngayon nga ay may bago na naman silang “regalo” para sa kanilang mga fans.
Iyan ay ang kanilang latest romcom movie na “Un-Ex You” na showing na ngayon sa mga sinehan nationwide. Napanood na namin ito sa ginanap na premiere night kagabi sa SM The Block cinema 3.
Iikot ang kuwento sa 35-anyos na si Zuri, may-ari ng isang small-scale logistics company. Lumaki siyang walang permanenteng pamilya kaya natutunan niyang itaguyod ang sarili nang maaga.
Iilan lang talaga ang itinuturing niyang pamilya – ang malayong kamag-anak na si Bry (Kyosu Guinto), ang bestfriend niyang si Greg (Bob Jbeili), at ang kanyang mga empleyado.
View this post on Instagram
Nang makitaan siya ng sakit na premature menopause, kailangan ni Zuri na kumilos nang mabilis kung gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya. Dahil sa walang lovelife, naghahanap siya ng isang disenteng lalaki na makakarelasyon at magbibigay sa kanya ng anak.
Nasubukan na rin niya ang iba’t ibang proseso ng pagbubuntis at ang huling pag-asa na lang niya ay ang ex niya na si Andy.
Si Andy ay taga-sitio Halúpi, isang liblib na lugar kung saan ang mga residente ay konserbatibo, namumuhay ng payapa at kuntento, at hindi nagmamadali sa buhay.
Ito na ang kinalakihan niya sa piling ng kanyang tiya at pinsan na nakasama niya simula mamatay ang kanyang mga magulang noong maliit pa lang siya.
Sinubukan rin naman ni Andy na mangibang-bansa para magtrabaho. Sa kasamaang palad, naaksidente siya roon at nagkaroon ng amnesia.
Naibalik siya sa Halupi at hanggang ngayon ay single pa rin. Pero madalas niyang napapaginipan si Zuri kahit wala siyang ideya kung bakit at kung sino ito.
Ngayong nasa Halupi na rin si Zuri, saksihan ang mga gagawin ni Zuri para ma-in love muli si Andy sa kanya, habang nakabantay ang tiya nitong si Mameng (Candy Pangilinan) at ang atribidang pinsan na si Beybeh (Jaja Disuanco).
Sa kagustuhan niyang magkaroon ng magandang kinabukasan kasama si Andy at ang pinapangarap niyang anak, magagawa bang ipaalam ni Zuri kay Andy ang kanilang nakaraan?
Iyan kailangan n’yong alamin sa kabuuan ng pelikula. In fairness, matatawa, maiiyak at mai-inspire kayo sa kuwento nina Zuri at Andy.
Given na ang galing ng celebrity couple sa pagpapatawa at pagdadrama pero may iba pang pinatunayan sina Kim at Je sa pelikulang ito na siyempre hindi muna namin sasabihin kung anu-ano yun para kayo na ang makadiskubre.
Ang isa pa sa masasabi namin sa movie, hayop talagang mang-agaw ng eksena si Candy Pangilinan lalo na sa pagpapatawa. Bentang-benta sa ‘min nang malaglag ang panty niya sa sobrang kilig. Ha-hahahaha!
Ang “Un-Ex You” ay mula sa direksyon ni RC Delos Reyes, mula sa Viva Films. Mapapanood na ito ngayon sa mga paborito n’yong sinehan. Kaya watch na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.