Jerald Napoles dinepensahan si Kim, proud sa pagiging kargador

Jerald Napoles dinepensahan si Kim, proud sa pagiging kargador

Therese Arceo |March 26,2024
facebook
share this

Jerald Napoles dinepensahan si Kim, proud sa pagiging kargador

Therese Arceo - March 26, 2024 - 09:15 PM

Jerald Napoles dinepensahan si Kim, proud sa pagiging kargador

Jerald Napoles at Kim Molina

IPINAGTANGGOL ng aktor na si Jerald Napoles ang kanyang girlfriend na si Kim Molina nang resbakan ang isang netizen na tumawag sa kanya bilang kargador.

Nitong Linggo, March 24, nag-explain ang aktor na na-provoke ang kanyang dyowa sa komentong “69” at hindi sa pagtawag sa kanya bilang kargador.

Totoo kasi na naging trabaho ito ni Jerald noon sa mga tindahan ng tela sa Divisoria bago pa niya pasukin ang mundo ng teatro at pag-aartista at proud si Kim sa pinagdaanan ng dyowa.

Sa kanyang Facebook page ay ipinaliwanag niya ang naunang pahayag ni Kim sa mga komento ng naturang netizen.

Baka Bet Mo: Kim Molina nabastusan sa ’69’ comment ng basher kay Jerald Napoles

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Context: ito ang sinabi nang nag comment kaya nasabihan siya ni Kim Molina nang bastos!” saad ni Jerald na tumutukoy sa komentong “na-69 na ba kayo ng jowa mong mukhang kargador?”

Pagpapatuloy niya, “Hindi nabastusan si Kim Molina dahil sinabihan akong ‘mukhang kargador.’ In fact, proud si Kim na pinagdaanan ko ito.”

Marami na raw kasing naglabasang “misleading” articles na nasulat tungkol sa kanyang pagsagot sa basher kaya naman naisipan na niyang i-clarify ito.

“Marami kasing na mi-mislead ng articles. Just clarifying which is which. Love you, Kim Molina,” hirit pa ni Jerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga hindi pa knowsg chika, isang dekada na ring magkarelasyon ang dalawa na nagsimula nang magkatrabaho sila sa teatro.

Tulad ng ibang relasyon, ilang beses na rin silang nag-break dati ngunit patuloy pa ring pinipiling ayusin ang kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending